Gawain sa Pagkatuto Bilang 7: Pumili ng isang sitwasyon sa ibaba at
sumulat ng maikling dayalogo o comic strip sa iyong sagutang papel.
Hingin ang gabay ng iyong magulang.
1. Namatay ang ina ng iyong kamag-aral dahil sa pandemya. Paano mo
maipapadama ang iyong pagtulong sa naiwang pamilya?
2. Biglang lumindol sa inyong lugar. May nasirang building at mga bahay.
Nakita mo at ng iyong mga kaibigan ang isang matanda ninyong
kapitbahay na nahihirapang lumabas sa kaniyang nasirang bahay. Ano
ang iyong gagawin?
3. May bagyong sumalanta sa inyong lugar at bumaha sa inyong paligid.
Tanging bahay lamang ninyo ang naiwang nakatayo sapagkat ito'y
matatag. Ilan sa inyong mga kapitbahay ay nangawasak ang mga
tahanan. Ano ang iyong gagawin?
pili ng Isa please answered
Answers & Comments
1. Namatay ang ina ng iyong kamag-aral dahil sa pandemya. Paano mo maipapadama ang iyong pagtulong sa naiwang pamilya?
*Lalapit kay Nanay*
Y/N:Nay,nabalitaan ko po ang nangyaring pagkamatay ng ina ng aking kamag-aral at gusto ko po sanang magbigay ng kahit konting tulong lamang sa pamilya nila.
NANAY:Natutuwa ako na sa murang edad ay naiisip mo na ang ganyang bagay,ang tumulong sa kapwa sa abot ng makakaya.Sige,anak,tutulong tayo sa kanila.May naisip kana ba na maitutulong natin?
Y/N:Gusto ko po na ibigay na lamang sa kanila ang mga lumang damit natin na maaayos pa at magbigay ng makakain nila sa araw na ito...a-at kung pwede po ay...(nahihiya)
NANAY:Ano iyon,anak?
Y/N:Alam ko pya na nahihirapan kayo ni Tatay na kumita ng pera ngunit kung.....m-maaari po sana ay mag-abot tayo ng maliit na halaga sa pamilya nila ng kahit papaano ay may panggastos sila
NANAY:Walang problema,anak.
Y/N:Maraming salamat po,Nay
*Sa bahay ng kamag-aral*
KAMAG-ARAL: (naiiyak sa tuwa)Maraming salamat po,Tiya.Malaking tulong po ito sa amin.
NANAY:Wag kayo sakin magpasalamat,sa anak ko dapat.
KAMAG-ARAL:Maraming salamat talaga,kaibigan
Y/N:Walang anuman,aking kaibigan.
SANA PO MAKATULONG YUNG SIMPLENG DAYALOGO NA GINAWA KO ^_^
#CarryOnLearning