Questions


September 2022 2 1 Report
Gawain sa Pagkatuto Bilang 7: Basahin ang mga sitwasyon. Piliin ang
titik ng tamang sagot. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

1. Ito ay tumutukoy sa sinabi, ginawa, o anumang bagay na hindi
pinananagutan, o walang pagsasaalang-alang sa kapuwa.
A. matapat B. responsable
C. iresponsable D. pagsisinungaling

2. Ito ay tumutukoy sa lahat ng tao sa paligid.
A. kapuwa B. kapitbahay
C. kaibigan D. pamayanan

3. Ito ay pahayag na tumitiyak sa pagtupad o hindi pagtupad sa isang
bagay. Ito rin ay tumutukoy sa anumang ginagamit bilang garantiya.
A. kilos B. pangako
C. sumpa D. katapatan

4. Sa mga pagkakataon na ikaw ay hindi nakakatupad sa isang
kasunduan o sa iyong mga ipinangako, ano ang dapat mong gawin?
A. Huwag na lamang ito pag-usapan at hayaan na ito ay makalimutan
ng taong iyong pinangakuan.
B. Iwasan ang taong pinangakuan upang makaiwas sa pagtatalo o
paninisi na hindi kinakailangan.
C. Humingi ng paumanhin at ipaliwanag ang dahilan kung bakit hindi
ka nakatupad sa pangako o kasunduan.
D. Hintayin na lumapit o komprontahin ka ng taong iyong
pinangakuan upang malaman kung masama ba ang loob niya sa iyo
o hindi.

5. May kasabihan na pagdating sa pangako, “huwag mong yakapin ang
puno kung alam mong hindi mag-aabot ang iyong mga kamay”. Ano
ang ibig sabihin nito?
A. Ang pangako ay palaging may kaakibat na pananagutan.
B. Huwag kang magbibitaw ng pangakong hindi mo kayang tuparin.
C. Simple o mahirap man ang iyong binitiwang pangako ay dapat mo
itong tuparin.
D. Kailanman ay huwag kang mangangako upang ikaw ay makaiwas
na makasakit ng damdamin ng iyong kapuwa.

6. Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng pagpapahalaga sa pagiging
responsable sa kapuwa MALIBAN sa:
A. Pangangako kahit mahirap itong gawin.
B. Pagtupad sa mga pangako o kasunduan.
C. Pagiging matapat sa anumang sitwasyon.
D. Pagpapanatili ng mabuting ugnayan sa kapuwa.

7. Natuwa si Jacky nang ibinigay ng kaniyang nanay ang ipinangako
nitong bagong cellphone na kaniyang gagamitin sa online class.
Ngunit hindi ito ang tatak ng cellphone na kaniyang gusto at ito lang
ang nakayanang bilhin ng kaniyang nanay. Naging responsable ba ang
nanay ni Jacky?
A. Opo, dahil natuwa si Jacky sa ibinigay ng kaniyang nanay.
B. Hindi po, dahil hindi niya binili ang tatak ng cellphone na gusto ni Jacky.
C. Hindi po, dapat hindi na lang siya bumili para hindi sumama loob
ni Jacky.
D. Opo, sapagkat tinupad niya ang kaniyang pangako na ibibili ito ng
cellphone.

8. Isang linggo na ang lumipas ngunit hindi pa rin isinasauli ng kaibigan
ni Coralie ang kaniyang aklat. Ipinangako ito na ibabalik rin
kinabukasan mula ng hiniram ito. Kung ikaw si Coralie, ano ang
gagawin mo?
A. Isusumbong ito sa kaniyang magulang upang siya ay mapagalitan.
B. Iisipin ko na lamang na ito ay nakalimutan niya at hindi sinasadya.
C. Tuturuan ko siya na maging responsable at matutong magsauli ng
hiniram na gamit sa tamang oras.
D. Hindi ko na papansinin ang kaibigan upang maramdaman niyang
masama ang loob ko sa hindi niya pagsauli ng aking aklat.

9. Ipinangako ng Tatay ni Karen na pagdating niya mula sa trabaho ay
tutulungan at gagabayan niya ito sa kaniyang mga gawain sa module.
Ngunit dahil sa pagod ay nakatulog na ito pagdating niya sa bahay. Ano
sa palagay mo ang dapat na maging tugon ni Karen dito?
A. Sasama ang loob at hindi na muling hihingi ng tulong mula sa
kaniyang tatay.
B. Kakausapin ang kaniyang tatay hinggil sa nangyari at sasabihin
ang saloobin hinggil dito.
C. Ipagsasawalang kibo na lamang ito at humingi na lamang ng tulong
mula sa ibang tao.
D. Umiyak na lamang at kalimutan ang nangyari dahil pagod ang
kaniyang tatay mula sa trabaho.

10. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagiging responsable?
A. Si Jaypee na isinasauli ang mga gamit na kaniyang hinihiram sa
takdang-oras.
B. Si Janine na pinasasagutan ang mga gawain sa module sa
kaniyang mga magulang.
C. Si Louie na nililibre ang kaniyang mga kaibigan gamit ang perang
ibinibigay ng kaniyang mga magulang.
D. Si Mico na ipinakokopya ang sagot niya sa module sa kaniyang
mga kaklase upang sila ay hindi na mahirapang pumasa.

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.