Gawain sa Pagkatuto Bilang 5
Sa isang buong papel, sumulat ng isang sanaysay na may paksang: "Sanhi at Bunga ng Corona Virus."
Ang sanaysay ay kinakailangang binubuo ng hindi kukulang sa limang pangungusap bawat talata, hindi kukulang sa tatlong talata, at ginamitan ng mga pang-ugnay na ginagamit sa sanhi at bunga.
Salungguhitan ang mga pang-ugnay na ginamit sa mga talata.
Help please-
Answers & Comments
Tayong lahat ay apektado ng lumalaganap ngayong sakit na COVID-19. Pagkabalisa, takot, lungkot at pighati ang nadarama ng buong mundo. Ngunit saan nga ba nagsimula ang pandemyang ito at ano-ano ang mga bunga nito?
Nagsimula ang coronavirus taong 2019, sa China, partikular na sa Wuhan. Napansin nilang marami na ang isinusugod sa mga ospital dahil sa hindi humihintong lagnat at ubo, kaya pinag-aralan nila ang sakit na ito. Natukoy nila na isa itong virus na kahalintulad sa SARS-COV na virus. Hanggang sa hindi na lang natin namalayang kumalat na ito sa buong mundo, lalo na sa ating bansa.
Hanggang sa kasalukuyan, hindi pa rin matukoy ng mga eksperto kung saan talaga galing ang sakit na ito. May mga haka-hakang kumakalat na galing daw umano ito sa kainan kung saan may inihahandang pagkaing mga paniki.
Ngayon, alam nating lahat kung ano ang naging bunga ng pandemyang ito. Dahil sa pandemyang ito, milyon-milyong katao ang namamatay, mga taong naghihinagpis sa pagkawala ng mahal sa buhay, depresyon at kalungkutan. Nagbunga rin ito ng mas lalong kahirapan sa mga mamamayan at pagbagsak ng ekonomiya.
Balot man tayo ngayon ng kadiliman, sisikat din ang araw kinabukasan. Alam kong lahat ng bagay ay may katapusan kagaya ng pandemyang ito. Kaya huwag sana tayong mawalan ng pag-asa at lumaban para sa kinabukasan.
If you need more help in answering module, Yohan Gakozhi got your back, dude! Just message him in Messenger. It’s free, if you want it free, and absolutely trusted. Thanks!