Gawain sa Pagkatuto Bilang 5: page 24
Humingi ng tulong sa kasama sa bahay.
Ipabasa ng tatlong beses ang sumusunod na talata. Isulat ng may wastong baybay,
bantas ang idiniktang talata. Sundin ang mga dapat tandaan sa pagsulat sa napakinggan na talata. Gawin ito sa iyong kuwaderno.
Isang Araw sa Buhay ni Mang Erning
Alas-diyes ng gabi na ako nakauwi. Tulog na ang mag-iina ko pagdating ko. Nakapapagod ang biyahe, pero kakayanin. Mabuti na nga ang maraming pasahero dahil tuloy-tuloy ang kita. May panahon din kasi ang hanapbuhay namin---kapag bakasyon at walang mga estudyante, mahina rin ang kita. Iniisip ko na lamang na ginagawa ko ito para sa aking mag-iina. Sila ang nagbibigay sa akin ng lakas. Magpapahinga lamang ako ngayong gabi. Bukas, magbibiyahe akong muli.
Answers & Comments
1 05 ako art nag aaral rar