Gawain sa Pagkatuto Bilang 5: Ibigay ang iyong opinion at solusyon sa
sitwasyon sa ibaba. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
Nagdudulot ang pagpuputol ng mga puno sa kabundukan ng pagbaha at
pagkasira ng tahanan ng mga ibon at iba pang mga hayop. Ngunit, patuloy pa
rin itong nangyayari. Paano mo mapipigilan ang mga taong gumagawa nito?
Answers & Comments
Verified answer
Opinyon:
Ang opinyon ko sa sitwasyon na ito ay nakikita ko na talagang lumalala ang pagputol ng puno sa ating mga kagubatan kung saan kailangan na itong matigil na upang mabawasan ang pagbaha. Nakikita natin ang ganda ng bansa natin ay maaaring magresulta sa pagkalbo nito na nagbibigay ng masamang epekto mismo sa ating mga tao. Hindi tumutulong ang mga ganitong uri ng tao na basta nalang nagpuputol ng puno dahil sinisira nito maging ang bahay ng mga hayop doon. Kailangan ang tamang pagkilos at askyon sa bagay na ito upang makapagbigay ng solusyon.
Ang tamang solusyon na maaari kong gawin:
Para sa akin, ang tamang gawin dito ay makipag-ugnayan o makiisa sa mga may awtoridad na nagsasagawa ng organisasyon ng pagtigil sa mga ilegal na pagputol ng mga puno sa kagubatan upang pasupil ito agad. Hindi na na natin maibabalik ang nakaraan, pero makakaya natin maging maayos ito sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa pag-aanunsyo sa iba’t ibang mga larangan ito man ay hayagan o sa social media ang pagpapaalam sa lahat ng sitwasyon ng kagubatan natin. Tutulong ito sa iba na pagtuonan rin ito ng atensyon at gumawa rin ng mga kinakailangang pagkilos may kaugnayan dito.
Bilang mga kabataan, tayo ay gumawa ng mga paraan upang tumulong sa ating kalikasan. Kahit limitado lang ang kakayahan natin pero malaki parin ang magagawa natin dito. Magsisilbi tayong halimbawa at inspirasyon sa iba na mabawasan ang pagputol ng mga puno at maingatan ang ganda ng ating kagubatan. Boses at pagkilos ang ating mai-aambag sa ganitong sitwasyon para maipaalam natin ito sa lahat at hindi magdulot ng matitinding pagbaha sa iba’t ibang mga lugar. Sumali at makiisa tayo sa mga organisasyon at programa may kaugnayan sa ating kalikasan lalo na sa pagtatanim ng puno at pagpigil sa pagputol nito.
Maaaring magtungo pa sa link na ito para makapagbasa pa ng higit na impormasyon may kaugnayan sa paksa:
Ang mabuti at masamang epekto ng pagputol ng mga puno: brainly.ph/question/1441101
Ang dahilan ng pagputol ng maraming puno: brainly.ph/question/552005
#BrainlyEveryday
Opinyon
Ang aking opinyon ukol sa paksang ito ay totoo at patuloy paring nagyayari. Sa kasalukuyang panahon maraming tao ang gumamit sa kalikasan para sa kanilang pansariling kagustuhan, isa na nga sa halimbawa nito ay ang pagpuputol at pagkakalbo sa ating mga kabundukan, pero bakit nila ito ginagawa? bata'y narin sa aking pag-uunawa ginagawa nila ito dahil sa personal na mga interes tulad ng pagpapatayo rito ng malalaking istraktura, ginagawang gamit ang mga punong naputol at ginagawang dahilan sa paghahanap-buhay.Ang sitwasyon na ito ay higit ko na hindi sinasang-ayunan at nagugustuhan sapagkat nagiging dahilan ito sa pagsira at patuloy na paninira sa ating mundo at kalikasan.
Solusyon
Bilang isang mag-aaral ang magiging solusyon ko siguro dito ay pagsabi sa mga awtoridad tulad ng DENR o di kaya naman pagrereport sa gawaing ito.Tulad na nga ng nasabi ko ang pagsasabi sa awtoridad hinggil sa mga gawain na ito ay makakatulong sa pagtigil at paghinto sa patuloy na pagsira ng mga kabundukan sa paanong paraan? siguro sa pamamagitan ng pagpapatigil at pag-aalis ng kanilang resensya sa pagputol ng mga puno.Ngunit bukod pa riyan ang simpleng pagtatanim ng mga puno ay makatutulong rin sa pagresolba sa naturang suliranin na ito.
Paano mo mapipigilan ang mga taong gumagawa nito?
Siguro ang maitutulong ko upang maipigilan ang gawain na ito ay ang pagrereport dito. Ang simpleng pagrereport at paghingi ng permiso upang ipatigil ito ay isa ng malaking bagay upang mapatigil at hindi na muling gawin ang paninira at pagputol ng mga puno sa kabundukan.
Mga Epekto ng pagputol ng puno
Para sa karagdagang impormasyon sumangguni lamang sa mga link na ito.