Gawain sa Pagkatuto bilang 4 PERFORMANCE TASK #4
Panuto: Manood sa telebisyon o makinig sa radyo ng balita kaugnay ng kasalukuyang kaganapan sa ating bansa. Isulat ito nang maayos sa isang papel at sundin ang pamantayang nakatala sa ibaba. Pamantayan sa Pagsulat ng Ulat-balita
1. Kawastuhan at pagkamakatotohanan 20% 2. Nakapaloob ang mga tanong na Sino, Ano, Paano, Kailan, Saan at Bakit 60%
3. Angkop sa gawain 20% Kabuoan 100%
Answers & Comments
Pahayag ng County ng Santa Clara Hinggil sa Pasya ng Korte na Nagpapahintulot na Matuloy ang Civil Enforcement Action Laban sa Calvary Chapel San Jose
PARA SA AGARANG PAGPAPALABAS:
PARA SA AGARANG PAGPAPALABAS:Pebrero 25, 2022
SANTA CLARA COUNTY, CALIF. – Noong Pebrero 22, ang Kataas-taasang Korte ng Santa Clara County ay nagpalabas ng pagpapasya na nagpapahintulot sa County na magpatuloy sa kanilang demanda na lumikom ng mahigit sa $2.8 na milyong hindi nabayarang multang ipinataw laban sa Calvary Chapel San Jose at sa kanilang senior pastor, na si Mike McClure, para sa kanilang pagsuway sa mga kautusan sa pampublikong pangkalusugan ng Estado at ng County. Ang mga kautusan sa pampublikong pangkalusugan na ito ay ipinatupad upang pigilin ang pagkalat ng COVID-19, na hanggang sa ngayon ay nakasawi ng halos 900,000 katao sa Estados Unidos, kabilang dito ang mahigit sa 2,000 sa Santa Clara County. Tinanggihan ng Korte ang pagsisikap ng Calvary at ni McClure na pigilin ang demanda ng County.