GAWAIN SA PAGKATUTO BILANG 4:
Panuto:
1. Mag-isip ng mga pamamaraan upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19. Ipahayag ito sa porma ng isang tula, likhang awit, larawan na may pagpapaliwanag o iba pang mas gusto mo na makahihiyakat sa mga mamamayan sa inyong lipunan na sundin ito. Isulat ito sa isang malinis na papel.
2. Isalaysay mo rin kung paano mo pinamahalaan ang iyong oras sa pagsagawa ng gawaing ito. (5 pangungsap lamang)

ANSWER:
1.
Epidemya (COVID-19)

Sa panahon ngayo'y ingatan ang sarili
Dahil biktima ng virus ay sadyang dumarami
Mapabata man o matanda, walang pinipili
Kaya paalala ko'y sa tahanan ay manatili

Paghuhugas ng kamay ay ating ugaliin
Kung aalis man, alcohol ay baunin
Mga paalala sa TV ay ating sundin
Ito'y para rin sa kaligtasan natin.

Gobernador ay huwag nating asahan
Kailangan din nating kumayod paminsan-minsan
Huwag nating ugaliing maging tamad
Para din naman ito sa ating pangangailangan

Huwag tayong magpapagutom
Ayuda'y huwag hintayin
Gumawa tayo ng paraan para mabuhay
Virus ay kumakalat,kaya katawan ay alagaan

Huwag hahayaang matuyo ang lalamunan
Pag-inom ng tubig ay huwag ipagpaliban
Iwasan ang malamig at baka makasanayan
Pag-iingat sa sarili ay pahalagahan.

Pagpunta sa matataong lugar ay iwasan
Pakikisalamuha sa iba ay 'yong bawasan
Sa ating pag-ubo'y bibig ay takpan
Maging mabuting ehemplo sa mga kabataan.

2. ? pasagot ng number 2 matinong sagot po sana wag pong sumagot kung hindi alam need lang po talaga ng tamang sagot

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.