Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Kumuha ng isang maikling kuwento. Basahin at
ang kuwento. Gumawa ng buo nito at isulat sa iyong kuwaderno. Mula sa iyong
kuwento, sagutan ang mga sumusunod na tanong sa inyong kwaderno.
1. Sinu-sino ang mga tauhan sa kuwento?
2. Saan at kailan nangyari ang kuwento?
3. Ibigay ang pagkakasunod-sunod ng mga importanteng pangyayari batay sa
mga bahagi ng maikling kuwento.
Answers & Comments
Answer:
Pamagat: Ang Pusa at si Faye
Isang araw pumunta si Faye sa park at may nakita siyang pusa at kinuha niya at inalagaan kaya napamahal na ito sa pusa at lagi Silang mag kasama. Nabigla si Faye kasi Wala ang pusa at hinanap Niya ito at nakita Niya na may anak na ito.
Explanation:
Umagang-umaga pa lamang ay masayang-masaya na si Aling Marta.
Magtatapos na kasi ang kaniyang anak na dalaga sa pag-aaral. Bitbit ang
kaniyang sisidlan, siya ay nagtungo sa pamilihan upang bumili ng uulamin sa
pananghalian at garbansos para sa kaniyang dalagang anak. Linggo ng umaga,
siksikan na ang palengke. Maririnig ang ingay ng mga nagtitinda at mamimili.
Nang dumating si Aling Marta sa panggitnang pasilyo, ay may nagmamadaling
batang lalaki na nakabangga sa kaniya. Ang batang lalaki ay mukhang
mahirap, makikita ito sa kaniyang kasuotan. Si Aling Marta ay nagalit kahit
humingi na ng tawad ang batang lalaki.
Pagkatapos ng pangyayari, siya ay tumungo sa tindahan ni Aling
Godyang. Noong siya ay magbabayad na, napansin niyang nawawala ang
kaniyang pitaka. Agad niyang hinanap ang batang lalaki, ito ang
pinaghihinalaan niyang nagnakaw ng kaniyang pitaka. Nakita niya ang batang
lalaki sa karatig na istasyon ng pulis. Agad siyang lumapit at hinatak ang bata
sa leeg. Itinanggi ng bata ang akusasyon, sila’y napalibutan na ng mga tao
dahil sa kaguluhan. Dahil dito, isang pulis ang lumapit. Siya ay nagtanong ng
mga impormasyon sa batang lalaki at pagkatapos ay nagtungo sila sa harap ng
istasyon. Pinaghintay sila ng pulis dahil siya ay tatawag lamang upang
magpahalili.
Inisip ni Aling Marta ang kaniyang pamilya at ang magiging reaksyon ng
kaniyang asawa kapag nalaman nito na nawalan siya ng pera. Biglang nagdilim
ang kaniyang paningin, siya’y napuno ng galit at poot. Dahil dito, nagawang
saktan ni Aling Marta ang batang lalaki. Gusto lamang makalaya ng batang
lalaki sa mahigpit na pagkakahawak ni Aling Marta. Kinagat niya ang kamay ni
Aling Marta at tumakbo palayo sa kaniya. Pumunta siya tungo sa isang
malawak na daan at biglang may humahagibis na sasakyang bumangga sa
kaniya. Hindi makapaniwala si Aling Marta sa nangyari.
Sa kaniyang pag-uwi, sinalubong siya ng kaniyang anak at tinawag nito
ang kaniyang ama. Sinabi nilang naiwan ni Aling Marta ang kaniyang pitaka
dahil kinuha ito ng kaniyang asawa upang bumili ng tabako. Hindi
makapaniwala si Aling Marta sa takbo ng mga pangyayari kaya nawalan siya ng malay.
1. Ang mga tauhan ay sina Aling marta At
Batang lalaki
2. Sa Palengke
3.+ namalengke si aling marta ng may bumangga sa kanyang bata at nagalit siya habang papunta siya sa bibilhan niya na pagtanto nitong nawawala ang kanyang pitaka ang kanyang opinyon kinuha ito kanina ng batang naka bangga sa kanya
+ dali dali niya itong hinanap nag mahanap niya ito sa sobrang galit hinatak niya ang bata katabi ng estasyon ng mga polisya dahil sa malakas ang boses ni aling marta na rinig siya ng mga pulis at tinanong kung ano ang problema.
+ Agad naman niya sinabi ang nangyari , nagpaalam muna ang pulis, pag alis ng pulis dahil sa sobrang galit ni aling marta nasaktan nito ang bata
+ dahil sa gustong maka alis ng bata sa kanyang hawak kinagat siya nito at tumakbo pumunta siya sa malawak na daan at doon nabunggo siya ng sasakyan . Hindi makapaniwala si aling marta sa kaniyang nasaksihan. sa pag uwi nito sa bahay agad na sinalubong siya ng anak nito at bingay sa kanya ang pitaka nito hiniram daw ito ng kanyang aswa para makabili ng tabako dahil sa sobrang gulat nito nahimatay si aling marta.