Questions


October 2022 1 2 Report
Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Basahin at unawain ang tula pagkatapos sagutin ang mga tanong sa ibaba.

Anak
(Ni Lyndon John de Leon)

Patawarin mo ako, kung hindi naging sapat ang aking mahigpit na yakap upang mailigtas ka.

Patawarin mo ako,
kung ang aking pagmamahal ay walang laban sa kalabit ng gatiyo nya.

Patawarin mo ako, sapagkat isinilang kita sa panahong ang buhay ng tao ay walang halaga.

kasalanan ko ito, anak, kaya sasamahan kita,

Hayaan mong ang dugo mo at dugo ko ay muling mag-isa tulad noong nasa sinapupunan pa kita

Anak, tulog na, nandito lang ang Nanay.

1.llan ang saknong ng tula?

A. 4

B. 5

C. 6

D. 8

2. Ilan ang taludtod ng binasang tula?

A. 2

B.4

C. 5

D. 6

3. Anong uri na tula ang binasa ayon sa kayarian?

A. malayang taludturan

C. maysukat at tugma

B. tulang liriko

D. tulang pantigan

4. Ano ang talinhaga mayroon sa tula?

A. ang pagbibigay ng buhay ng ina sa anak

B. ang wagas na pagmamahal ng ina sa kanyang anak

C. ang masayang buhay ng mag-ina

D. ang pag-ibig ng anak sa kanyang ina

5. Anong kariktan ang makikita sa tula?

A. malayang taludturan, paggamit ng simbolismo
at matalinhagang pahayag.

B. may sukat at tugma, gumamit ng simbolismo at talinhaga

C. may sukat at tugma, gumamit ng mga tayutay

D. malayang taludturan na gumamit ng mga tayutay​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.