Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Basahin at unawain ang mga sumusunod
na sitwasyon. Isulat sa iyong sagutang papel ang iyong mga kasagutan sa
mga tanong sa bawat talata.
1. Inanunsiyo ng PAG-ASA na may paparating na isang malakas na bagyo.
Habang nakatutok sa pakikinig sa radyo ay inihanda ng batang si Joy
ang lahat ng mga kakailanganin tulad ng emergency kit. Matapos
nanalasa
ng bagyo ay malaki ang iniwang pinsala nito pero mapalad ang
pamilya niya sapagkat walang nasaktan at walang nasira sa kanilang
tahanan. Ngunit ang bahay ng kaibigan niyang si Nica ay nasira at
wala siyang matuluyan. Kung ikaw
i Joy, anong gagawin mo?
2. Nasunog ang bahay ni Elia Vyonne at walang nasalba sa kanilang mga
gamit. Pansamantala silang tumuloy sa isang shelter ng lokal na
pamahalaan. Kung si Elia Vyonne ay kaibigan mo, ano ang maaari
mong maitulong sa kaniya?
3. Ayon sa PHIVOLCS, isang malakas na lindol ang tumama sa lugar nila
Cecilia. Kung kaya't pinapalikas ang lahat ng tao dahil inaasahan na
masusundan ito ng aftershock at posibleng magka-tsunami dahil sila ay
nása baybaying dagat. Ngunit sa kabila nito ay alam niya na walang
radyo at telebisyon ang kapitbahay niyang si Angel. Kung ikaw si Cecilia,
anong gagawin mo?
4. Dahil sa tagal ng lockdown dulot ng pandemya, nawalan ng hanapbuhay
at naubos ang perang ipon ng magulang ni Niño na pantustos sana sa
kanilang pang-araw-araw na pangangailangan. Kung ikaw ay kaibigan ni
Niño, ano ang maaari mong gawin para siya ay matulungan?
5. Sa tuloy-tuloy na pag-ulan, ang bahay ng magkakapatid na Reniel at
Ricki na kapitbahay ni Althea ay inaabot ng baha. Nakita ni Althea kung
gaano kakapal at karami ang putik na iniwanan ng baha sa bahay nila.
Nagsimula na ang magkakapatid na maglinis. Kung ikaw si Althea, ano
ang gagawin mo?
follow ko po kung sino magsagot
Answers & Comments
Answer:
1.Maaari ko siya patuluyin sa aking tahanan
2.Magdodonate ako ng relief goods
3.Sabihin ang nalalaman mong impormasyon kay Angel
4.Payuhan na maging matatag
5.Tutulungan sila maglinis
Explanation:
1.Dahil sa labis na pagkasira ng tahanan ni Nica ay pansamantala ko muna siya patutuluyin sa aking bahay hanggang maging maayos na ang lahat.
2.Ang relief goods ay makakatulong sakanila habang sila ay nanunuluyan sa shelter. Ako rin ay mamimigay ng mga gamit na akin nang hindi ginagamit.
3.Ang pagsabi ng impormasyon kay Angel ay makakatulong sa kanya dahil wala syang mapagkukuhanan ng impormasyon kundi sa mga taong kanyang nasasakupan.
4.Lahat tayo ay unti-unti nang sumusuko lalo na't may pandemya at pagiging matatag lang ang puwede nating gawin.
5.Ang pagtulong ay normal lang lalo na sa taong alam natin na nahihirapan kaya kung ako ay wala namang gagawin ang pagtulong sa kanila ay ang magandang gawin.