Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Basahin at unawain ang mga pahayag.

Ilagay sa iyong sagutang papel ang letra ng iyong kasagutan.


1. Pagsapit ng recess, nakita mong sinasaktan at pinagbabantaan ang

iyong kaibigan ng inyong kaklase upang makuha ang kaniyang baon.

Ano ang dapat mong gawin?

A. Tutulungan ang kaibigan upang awayin ang nananakit at nananakot sa

kaniya.

B. Hayaan na lámang sila dahil maaari kang madamay sa gulo nila.

C. Ipagbibigay-alam ito sa guro upang mapagsabihan ang kaklaseng

nambubulas.

D. Bibigyan ng baon ang nambubulas upang ito ay tumigil na sa pananakit

at pananakot.


2. Ang mga sumusunod ay halimbawa ng isang kinauukulan maliban sa:

A. Guro B. Pulis C. Bumbero D. Barangay Tanod


3. Sa pagmamalasakit sa iyong kapwang sinasaktan, kinukutya, o

binubulas, ano dapat ang una mong kailangan isaalang-alang?

A. Ang nagkasala sapagkat dapat maparusahan siya sa maling ginawa.

B. Ang kapakanan ng biktima dahil siya ang higit na nangangailanagn

sa sitwasyon.

C. Ang sariling kaligtasan sapagkat maaaring ikaw ay malagay sa

alanganing sitwasyon.

D. Ang kapakanan ng iyong magulang sapagkat sila ang maaapektuhan

kapag may nangyari sa iyong hindi kanais-nais.


4. Nasaksihan mo ang pag-snatch ng bag ng isang magnanakaw sa kalye.

Ano ang dapat mong gawin sa sitwasyong ito?

A. Ipagbigay alam ito sa pulis upang mahuli ang snatcher.

B. Hahabulin ang snatcher at hulihin upang mabawi ang bag.

C. Hayaan na lámang ito upang hindi na madamay sa insidente.

D. Ipaabot na lámang ang pakikiramay sa nanakawan sa insidente.


5. Nakita mong umiiyak ang iyong bagong kamag-aral. Binubulas ito ng

iyong mga kaklase dahil sa kakaiba nitong itsura. Ano ang una mong

dapat gawin sa sitwasyon?

A. Hayaan na lámang sila upang hindi madamay.

B. Magsumbong sa magulang ng biktima upang pumunta ito sa

paaralan.

C. Isumbong ito sa guro o guidance counselor at hayaan siláng humarap

dito.

D. Kausapin ang mga kaklase at pagsabihan na hindi magandang

katangian ang pambubulas ng kamag-aral.

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.