Gawain sa Pagkatuto Bilang 3

Sadyang mahilig umawit ang mga Pilipino. Isa ito

sa mga talentong maipagmamalaki sa buong

mundo. Bahagi na ito ng ating kultura, anuman

ang gawain, gaano man ito kahirap, pinagagaan ng musika ang

anumang trabaho o aktibidad.

Pagkakataon mo nang ipakita ang iyong talento sa Himig as One.

Gumawa ng sariling awitin na may dalawang bahagi at tig-apat na linya

o taludtod (anyong strophic). Pumili ng paboritong mang-aawit at isa sa

mga awitin nito. Palitan ang mga liriko at titik ng awitin. Palitan rin ang

pamagat nito. Gamit ang mga lirikong binuo ilapat o ihalaw ito sa

napiling awitin.

Maaaring tungkol sa buhay, pag-ibig, kasiyahan o pagkakaibigan

ang tema ng gagawing kanta. Isulat sa kuwaderno o sagutang papel

ang napiling awit at ang lirikong iyong ginawa. Maaring humingi ng

tulong sa iyong magulang o kapatid upang maisagawa ang gawain,

awitin ang iyong komposisyon sa iyong kaibigan o sa iyong kasamahan

sa tahanan. (Maaaring ivideo ang gawain at ipadala ito sa guro sa

messenger bilang awtput.). Markahan ang sarili sa pamamagitan ng

paglalagay ng tsek (√)ang tamang kolum ng rubriks sa baba.

Rubriks

Pamantayan

1 2 3 4 5

Naawit nang may wastong tono ang

komposisyon.

Naipakita ang pagiging malikhain sa

paggawa ng awit.

Naipadama ang damdamin ng awit.

Naipakita ang kasiyahan sa pag-awit.

5- Pinakamahusay 2- Mapaghuhusay pa

4- Mahusay 1- Nangangailangan pa ng pagsasanay​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.