Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Suriin ang mga karapatang pantao na nalabag sa mga sumusunod na sitwasyon. Isulat kung anong karapatan
nalabag at ano ang nararapat gawin. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
1. Hindi pinag-aral ni John Mark ang kaniyang anak dahil bulag ito.
2. Dahil hindi tunay na anak ni Chester si Dina, pinagagawa niya ito ng mga gawaing bahay kahit gabi na at hindi pinasasabay sa pagkain ng
pamilya
3. Pilit na pinaalis ni Rex ang umuupa sa kanilang bahay sapagkat ilang buwan na itong hindi nakakabayad. Hindi na rin niya ibinibigay ang mga
naiwang gamit sa loob ng bahay.
Answers & Comments
Verified answer
Unang Sitwasyon:
Karapatan na nalabag: Pagbabale-wala sa anak na may kapansanan.
Ano ang nararapat gawin: Dapat pag-aralin parin dahil may karapatan siya na makatanggap ng edukasyon sa kabila ng kaniyang kapansanan.
Ikalawang Sitwasyon:
Karapatan na nalabag: Pagiging hindi makatao, hindi makatarungan at pagmamaltrato sa bata.
Ano ang nararapat gawin: Ang dapat na pagkilos dito ay magpakita pa rin ng pagmamahal at pagmamalasakit kahit hindi tunay na anak si Chester. Ituring na totoong anak siya at magkaroon ng timbang na pangmalas sa nararamdaman niya.
Ikatlong Sitwasyon:
Karapatan na nalabag: Hindi pagpapakita ng awa at nang-aabuso sa umuupa.
Ano ang nararapat gawin: Bigyan pa ng isa pang pagkakataon upang makabawi at makapagbayad ng upa kahit ilang buwan. At ibigay ang mga gamit nila dahil pag-aari pa rin nila iyon. Mahalaga rin na unawain sila dahil rin sa hirap ng buhay.
Paliwanag:
Kailangan natin na magpakita ng kabutihan sa karapatang pantao sa lahat ng tao. At lahat ng ito ay kalayaan na natatanggap ng mga tao. Gayundin, dapat magkaroon ng pantay na pangmalas at tingin sa ating kapuwa anuman ang uri o kulturang pinanggalingan nila. Ituring na lahat ng tao ay may karapatan na gawin ang gusto nila at irespeto ito.
Magtungo sa link na ito para makapagbasa ng higit na impormasyon may kaugnayan sa paksa:
Ang kahulugan ng karapatang pantao: brainly.ph/question/16371810
Ang kahulugan ng salitang karapatan: brainly.ph/question/367817
#BrainlyEveryday
1. Karapatang Nalabag: Hindi pinag aral ang kaniyang anak dahil bulag ito.
Nararapat Gawin: Dapat na paaralin ang kaniyang anak kahit may kapansanan man dahil ang pag aaral ang siyang nakapagpapaturo sa mga anak ng mabuting asal.
2. Karapatang Nalabag: Hindi makatarungan ang ginawa ni Dina sa hindi nya tunay na anak.
Nararapat Gawin: Dapat huwag maltratuhin ng ganon ang bata kahit na hindi nya iro tunay na anak. Gayunman mahalin nya ito na parang tunay na anak.
3. Karapatang Nalabag: Hindi sya nagpapakita ng awa sa kanyang kapwa tao.
Nararapat Gawin: Kailangan nya na bigayan ng isa pang pagkakataon ang umuupa sa kanilang bahay eh baka dahil gipit sila kaya hindi sila nakabayad.