Questions


December 2022 1 0 Report
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Panuto: Basahin at unawain ang bawat pahayag. Tukuyin ang damdaming nangingibabaw sa naging kapalaran ng tauhan. Isulat kung ito ay nagpapakita ng PAGKATAKOT, PAGKALUNGKOT, PAGKAGALAK, PAGKAHIYA, PAGKAGULAT.

___________1. Nais ni Kapitan Tiago na huwag manatili sa kumbento si Maria Clara. Nag-utos siya na kunin ang mga gamit ng kanyang anak at magpaalam sa kanyang mga kaibigan. Tumahimik ang anak at kagalakan ay nanaig sa kanyang puso dahil sinabi ng kaniyang Tiya na mainam sa San Diego na lang magbakasyon. (Kab. 7)

___________2. Nakatanggap naman ng isang sulat si Ibarra mula kay Maria Clara. Ayon sa sulat ay nabalitaan ni Maria na may sakit si Crisostomo kaya pala maghapong hindi nakita ang binata. (Kab. 28)

___________3. Isinumbong naman ni Maria Clara na hinihingian syang tumugtog at inaanyayahang sumayaw na siyang dahilan ng pagkainis niya. (Kab. 28)

___________4. Hindi mapigil ni Maria Clara ang maawa sa ketongin kaya’t hindi siya nag-atubiling ibigay ang laket na kaloob ng kanyang ama dahil wala siyang maibigay na anumang limos. (Kab. 27)

___________5. Sa bahay ni kapitan Tiago, walang ginawa si Maria Clara kundi ang umiyak pagkatapos ng mga pangyayari sa kabila ng pag-alo ng kanyang tiyahin at ni Andeng (Kab. 36)

___________6. Si Maria Clara ay nagkunwaring walang ganang kumain pero sa totoo ay talagang hinihintay niya si Ibarra. Ayaw rin niyang makaharap si Padre Salvi at Linares. (Kab. 55)

___________7. Nang wala nang natitirang tao, ang dalaga ay lumabas sa azotea. Tahimik na tahimik ang kapaligiran. Inalis ang singsing, hikaw at suklay. Pagkatapos ay tumanaw sa ilog. May nakita siya na isang bangkang may lamang damo. Ang isa ay bumaba sa bangka at pumanhik paakyat sa asotea. Nagulat si Maria Clara nang tumambad sa kanyang paningin si Ibarra. (Kab. 60)

___________8. Hindi niya nagawa na utusan ang binata na humingi ng tawad sa kanyang tunay na ama sapagkat batid niya na ang naging sanhi ng kasawian ng ama ni Ibarra ay ang kanyang tunay na ama. Si Maria Clara ay nagtanong pagkatapos kung dapat daw ba siyang dustain at bigyan ng ngiting mapanlibak pagkatapos marinig ang lahat. (Kab. 60)

___________9. Hiniling ni Maria Clara na sirain ang kasunduan ng kanyang kasal kay Alfonso Linares at pangalagaan ang kapakanan ng ama. Sinabi ni Maria Clara na noong buhay pa si Ibarra ay inisip niyang makibaka at maghintay. Subalit dahil patay na si Ibarra ay wala na raw dahilan para siya ay mabuhay. (Kab. 62)

___________10. Hindi pansin ni Maria Clara ang maraming regalo na nakabunton sa ibabaw ng mesa. Ang mga mata niya ay nakapako sa diyaryong nagbabalita tungkol sa pagkamatay ni Ibarra. (Kab. 62)​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.