Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Gamitin nang wasto ang sumusunod na
pangngalan at panghalip sa pangungusap. (salamin, laptop Bb. Santos,
palengke, ko, dito, alcohol, Oktubre, Binan, Laguna, Kami). Gawin ito sa
inyong sagutang papel.
1. Salamin
2. Laptop
3. Bb. Santos
4. Palengke
5. Ko
6. dito
7. Alcohol
8. Oktubre
9. Binan, Laguna
10. kami
Answers & Comments
Answer:
1. Pakikuha ng salamin ko.
2.Kailangan ko ng laptop para sa online class.
3. Ang hirap ng pasulit na binigay ni Bb. Santos.
4. Pumunta sa palengke si nanay.
5. Nasagutan ko na ang lahat ng mga modyul ko.
6. Dito na kami titira ng pamilya ko.
7. Maglagay ng Alcohol paglabas at pag-uwi ng bahay.
8. Lumipas na ang ilang araw at Oktubre na ngayon.
9. Nakatira kami sa Binan, Laguna.
10. Ang hirap isipin na magkalayo kami.