Questions


November 2022 1 0 Report
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3. Basahin at unawaing mabuti ang mga sitwasyon. Piliin ang titik ng pinakatamang sagot. Gawin tio sa iyong sagutang papel.
1. Naipakikita ang paggalang sa pamamagitan ng ___________.
a. pakikibahagi sa mga gawaing nakasanayan.
b. pakikipag-ugnayan sa mga taong nakakahalubilo.
c. pagbibigay ng halaga sa isang tao.
d. pagkilala sa mga taong naging bahagi ng buhay.
2. Ano ang ipinahihiwatig ng pahayag na, “Ang pagsunod ay pagkilos sa pagitan ng katwiran at ng kakayahang magpasakop?”
a. Ang marapat na pagsunod ay naipapakita sa pamamagitan ng pagpapasakop.
b. Kailangang sumunod at magpasakop dahil ito ang makatwiran at nararapat.
c. Maipakikita sa pamamagitan ng pagsusuko ng sarili ang marapat na pagsunod sa mga ipinag-uutos.
d. May pagkakataon na kailangang sumunod at magpasakop at may pagkakataong di kailangang magpasakop at sumunod.
3. Paano mo mas higit na maipakikita ang paggalang sa mga taong may awtoridad?
a. Unawain na hindi lahat ng pagpapasiya at mga bagay na dapat sundin ay magiging kaaya-aya para sa iyo.
b. Ipaglaban ang iyong karapatan lalo na kapag ikaw ay nasa katwiran.
c. Ipahayag ang iyong pananaw upang maiwasto ang kanilang mga pagkakamali.
d. Suportahan ang kanilang mga proyekto at programa.
4. Hinahangaan ni Jay si Danny sa taglay niyang kagalingan sa pamumuno. Nang si Danny ang naging lider ng kanilang grupo, lahat ng sabihin ni Danny ay kaniyang sinusunod at ginagawa nang walang pagtutol, kahit pa minsan ay napapabayaan na niya ang kaniyang sariling pangangailangan. Ang kilos ni Jay ay nagpapakita ng ____________:
a. katarungan
b. pagpapasakop
c. kasipagan
d. pagsunod
5. Maraming balita tungkol sa mga taong may awtoridad ang kinakitaan mo ng mga gawaing taliwas sa dapat nilang gampanan. Maraming kabataang tulad mo ang nagkaroon ng pag-aalinlangan kung sila ay magpapakita pa ng paggalang at pagsunod. Ano ang pinakamabuting maipapayo mo sa kanila?
a. Alamin ang mga batas na nararapat sundin at mga karapatang
dapat ipaglaban. Gawin kung ano ang inaasahan sa iyo ng
iyong kapwa.
b. Mahirap kumilos nang may pag-aalinlangan. Sumangguni sa
ibang may awtoridad na nabubuhay nang mabuti at kumilos
ayon sa iyong kilos-loob.
c. Unawain at patawarin ang mga taong may awtoridad na
nakagawa ng pagkakamali, lalo na kung hindi naman ikaw ang
naapektuhan.
d. Ipagbigay-alam agad sa kinauukulan ang nasasaksihang
paglabag sa batas. Hindi makatarungan na ang
nagpapatupad sa batas ay siyang lumalabag dito.

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.