Questions


September 2022 1 1 Report
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3
Basahin at alamin ang paksa ng talata. Isulat ang letra ng tamang sagot sa iyong
sagutang papel.

Itinatag ni Andres Bonifacio ang Katipunan dahil kumalat ang balita na hinuli at ibinilanggo ng mga Espanyol si Dr. Jose Rizal. Nagpulong sina Andres Bonifacio, Deodato Arellano, Valentin Diaz, Ladislao Diwa at Jose Dizon noong gabi ng Hulyo 7, 1892. Nagkasundo sila na gumawa ng paraan upang lumaya ang Pilipinas. Gumawa sila ng kasunduan at nilagdaan nila ito sa pamamagitan ng Blood Compact o sandugo.


______1.Ano ang sinasabi ng talata?
A. Ano ang Katipunan C. Mga gawain ng Katipunero
B. Paano naitatag ang Katipunan D. Bakit hinuli si Jose Rizal
______2. Alin ang paksang pangungusap sa talata?
A. Pangungusap 1 C. Pangungusap 3
B. Pangungusap 2 D. Pangungusap 4
______3. Saan matatagpuan ang paksang pangungusap?
A. Unahan B. Gitna C. Hulihan D. Wala ditto
Si Andres Bonifacio ay isinilang noong Nobyembre 30, 1863. Isinilang siya sa isang maliit na dampa sa Tondo, Maynila. Ang kanilang tirahan ay nasa tapat ng istasyon ng tren sa Tutuban. Ang kanyang ama na si Santiago Bonifacio ay isang sastre at ang kanyang ina na si Catalina de Castro ay isang karaniwang maybahay. Si Andres Bonifacio ay lumaki sa hirap at tunay na nagmula sa masa.


______4. Ano ang tinutukoy ng talata?
A. ang bahay nina Andres Bonifacio
B. ang ayos ng paligid ng Tondo noon
C. ang pinagmulan ni Andres Bonifacio
D. ang hanapbuhay ng kanyang magulang
______5. Alin ang paksang pangungusap sa talata?
A. Si Andres Bonifacio ay isinilang noong Nobyembre 30, 1863.
B. Ang kanyang ama, si Santiago Bonifacio ay isang sastre.
C. Ang kanyang ina, si Catalina de Castro ay isang karaniwang
maybahay.
D. Tunay na nagmula sa masa si Andres Bonifacio.

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.