Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Basahin ang teksto sa bawat bilang .
Tukuyin ang paksa ng bawat isa. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
1. Noong panahon ng mga Kastila, ang mga prayleng Kastila ay
nagpupunta sa bukid kung panahon ng kapaskuhan. Ito ang panahon
na ang mga magsasaka ay nakapag-aani ng kasagaan sa kanilang bu-
kirin. Sa gayon, nagkakaroon sila ng pagdiriwang at kasayahan
bilang pasasalamat.
Nagsasagawa ng misa ang mga pari sa unang pagtilaok ng manok
bilang pasasalamat
sa masaganang ani sa bukirin.
PIVOT 4A CALABARZON
Answers & Comments
Verified answer
Answer:
Paksa ng isang Sanaysay
Ang tinutukoy sa paksang nakasulat ay ang Misa de Gallo, na mas kilala natin sa panahon ngayon bilang Simbang Gabi na ginaganap sa panahon ng Kapaskuhan.
Ayon sa mga nagsusulat ng kasaysayan, noong nasa ilalim pa ng kapangyarihan ng Espanya ang Pilipinas, sa tuwing panahon ng Kapaskuhan, ang mga prayle ay dumadalaw sa mga bukirin. Ito ang panahon kung kailan umaani ng marami ang mga Pilipinong magsasaka, kaya naman nagkakaroon ng isang kasiyahan at pagdiriwang. Ang misa ay isinasagawa ng mga prayle sa madaling araw, kung kailan nagsisimulang tumilaok ang manok. Dito nakuha ang pangalan na misa de gallo, na nagmula sa wikang Kastila na ang ibig sabihin ay misa ng manok. Simula noon, naging bahagi na ito ng kulturang Pilipino.
Para sa iba pang impormasyon tungkol sa pamumuhay ng mga Pilipino, bisitahin lamang ang link na ito:
brainly.ph/question/19609187
brainly.ph/question/157630
brainly.ph/question/439434
#BrainlyEveryday