Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Basahin ang talata at sagutin ang mgatanong sa ibaba.
Ang sakit ay anomang kalagayan na hindi pangkaraniwang
nararamdaman ng isang tao. Ang sakit ng tao ay maaaring nakahahawa
o hindi nakahahawa.
Ito ay maaaring sanhi ng hindi maayos na kondisyon ng mga
selyula o parte ng katawan.
Ito rin ay maaaring sanhi ng mga mikrobyong
nagdudulot ng sakit. Ito ay maaaring dumapo kaninoman – bata man o
matanda, mayaman man o mahirap ngunit ito ay maiiwasan. Ang isang
taong may mahinang resistensiya (immune system) ay madaling kapitan
ng sakit at karamdaman.
Gayundin, maaaring sanhi at dala ito ng kapuwa tao, hayop,
pagkain, at kapaligiran – lupa, tubig, at hangin. Mabuting malaman ang
dahilan, sintomas, at pagsugpo rito upang mapanatili ang kalusugan.
Sagutin ang mga sumusunod na tanong sa iyong kuwaderno.
1. Anoangsakit?
2. Ano ang sanhi ngsakit?
3. Paano nakukuha ang sakit?
Answers & Comments
Answer:
1. Ang sakit ay anomang kalagayan na hindi pangkaraniwang nararamdaman ng isang tao.
2. Ang sanhi nito ay ang hindi maayos na kondisyon ng mga selyula o parte ng katawan. At mga paligid na marurumi.
3. Nakukuha ito kapag mahina ang resistensiya ng iyong katawan, madali kang kapitan ng sakit.
Explanation
Godbless you po. Aral mabuti.