Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Basahin ang balita sa ibaba. Pagkatapos basahin, gumawa ng maikling iskrip para sa radio broadcast gamit ang mga uri ng pangungusap.

ZERO WASTE MONTH 2021: SA PANAHON NG PANDEMYA, MALINIS NA KAPALIGIRAN ANG BIDA


Nagsagawa ng city-wide clean-up ang Lungsod ng Imus noong ika-30 ng Enero bilang bahagi ng selebrasyon ng Zero Waste Month 2021 sa pangunguna ng City Environment and Natural Resources Office (CENRO).Ginugunita ang Zero Waste Month tuwing buwan ng Enero alinsunod sa Presidential Proclamation No. 7 na nilagdaan noong 2014, batay sa Republic Act No. 9003 o “Ecological Solid Waste Management Act of 2000” na nasa ika-20 taon na. Layunin ng R.A. ang maayos at epektibong pagtatapon ng basura para sa kapakanan ngkapaligiran at kalusugan ng mamamayan.Nakilahok din ang mga barangay, kasama ang mga eco aide at mga volunteer, sa naganap na city-wide clean-up. Karamihan sa mga nakalap na basura ay single-used plastics na nakakalat sa mga daanan at daluyan ng tubig, na isa sa pinakamalaking suliranin sa basura na kinakaharap ng bansa. Sa patuloy na paglaban sa COVID-19, inaasahan ang pagdami ng basura tulad ng Personal Protective Equipment (PPE), face masks at face shields na itinatapon ng mga mamamayan.Dahil dito, higit na pinaigting ng pamahalaan ang kampanya nito tungo sa malinis na kapaligiran. Bukod sa pagsasagawa ng weekly clean-up drives, ilang programa rin ang isinasagawa ng pamahalaan. Kabilang dito ang Basuraffle na nasa ika-limang (5) taon na Dito, pinapalitan ng raffle tickets ang mga plastic waste kung saan maaaring makapag-uwi ng mga papremyo ang bawat sambahayan sa isinasagawang raffle draw. Ang mga nakokolektang basura ay isini-segregate bago ipadala sa mga waste disposal facility. Dinadala naman sa composting facilities sa Malagasang 1-A at Ecology Center sa Buhay na Tubig ang mga nabubulok na basura. Samantala, ang mga hindi nabubulok na basura ay ginagawang eco-friendly cement sa tulong ng Cemex, isang Department of Environment and Natural Resources (DENR) accredited cement factory. Dito,ginagamit ang mga basura sa paggawa ng semento na tinatawag na co-processing. Nakakatulong ito sa pagreresiklo at pagbabawas ng basura na kadalasan ay napupunta sa mga landfill. Ang mga nakalap naman na plastic wrapper mula sa mga pabrika ay ginagawang eco-brick, bayong, at pitaka na nakapaloob sa recycling project at livelihood program ng pamahalaang Lungsod.Bukod pa rito, nagsasagawa rin ang CENRO, sa pakikipagtulungan sa Provincial Environment and Natural Resources Office (PENRO) ng clearing at grubbing sa Imus, Ylang-Ylang, at Julian River tributaries para sa malawakang clean-up, rehabilitation, at preservation efforts ng Manila Bay. Bilang Environmental Compliance Audit (ECA) Platinum Awardee, layunin ng Pamahalaang Lungsod, na pinamumunuan ng CENRO, ang maayos na pagtatapon ng mga basura sa Imus.

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.