Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Suriin ang sumusunod na sitwasyon. Ano ang iyong dapat gawin? Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno. Mga sitwasyon Ang dapat kong gawin ay... 1.Naglalaro ka sa inyong bahay ng mga bago mong laruan, nakita ka ng iyong kalaro at nagsabi na sasali ngunit sinabi ng iyong nanay na hu- wag magpapasok ng ibang tao sa in- yong bahay bago siya umalis. 2. Naglalaro ka ng Mobile Legend sa computer shop malapit sa inyong ba- hay. Nawili ka sa paglalaro at hindi mo namalayan na gabi na, binilin ng iyong magulang na umuwi ng maaga. 3.Nasunugan ang iyong kamag-aaral at walang natira kahit ano. Marami kang mga damit subalit paborito mo ang mga ito. 4.Nakita mo ang isang matanda na tatawid sa kalye na maraming dala, bawal kang lumabas ngunit naaawa ka sa matanda. 5. Nakita mo ang isang batang pulubi na hawak ang tiyan at mukhang gutom na gutom. Marami kayong pagkain sa inyong bahay.
Answers & Comments
Answer:
1. Sasabihin ko sa aking kalaro na bawal kaming mag-papasok ng tao habang wala pa ang aking ina.
2. Magpapaumanhin ako at sasabihing nasobrahan ako sa paglalaro at hindi na ulit uulitin muli.
3. Ibibigay ko pa rin kasi madami naman ang aking mga damit at siya ay nasunugan sila at wala silang pagkain.
4. Magpapaalam ako sa aking ina na tutulungan ko ang matanda sa pagtawid at tulungan itong tumawid.
5. Babalik ako sa aking bahay at sasabihin ito sa aking ina para mabigyan ko siya ng pagkain at inumin.
Explanation:
Welcome;)