Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan sa iyong sagutang papel.
1. Bakit may mga pagkakataon na mas nangingibabaw ang mga gawaing taliwas sa katapatan?
2. llarawan ang isang taong matapat. Magbigay ng halimbawa.
3. Paano mo mailalarawan ang mundong pinaiiral ang katapatan? Ng kasinungalingan?
4. Bakit mahalagang isabuhay ang katapatan sa salita at gawa?
5. Ano ang maaari mong gawin upang mapangibabaw sa lahat ng pagkakataon ang katapatan?
Answers & Comments
Answer:
1.Taliwas sa katapatan sapagkat ang katotohanan kadalasan ay masakit kaya kailangan na itago.
2.mapag mahal, totoo sa kanyang sarili, mapag kakatiwalaan, mabuting kaibigan at matalino.
3.Mundo ng Kabutihan at kasinungalingan
Pinapairal ng katotohanan
Ang mundong pinapairal ng katotohanan ay matiwasay. Ang bawat tao ay matapat. Ginagawa nila ang kanilang mga tungkulin ng buong puso. Sila rin ay sumusunod sa mga batas at alituntunin na itinalaga ng pamahalaan. Naiiwasan ang panlalamang sa kapwa lalo na dahil ang bawat tao ay may pagpapahalaga sa katapatan.
Pinapairal ng kasinungalingan
Ang mundong pinapairal naman ng kasinunangalingan ay magulo. Lahat ng tao ay walang tiwala sa isa't isa dahil sila ay hindi matapat. Marami rin ang pinipiling magsinungaling o manlamang sa kapwa. Wala silang pakialam sa nararamdaman ng ibang tao dahil mas pinipili nila ang kanilang sarili. Sa madaling salita, ang mundong puno ng kasinungalingan ay walang magandang dulot sa ating pagkatao.
4.Dahil sa pamamagitan nito, magkukuha mo ang tiwala ng iba. Kapag alam nilang lahat ng salitang binibitawan mo ay ginagawa mo, maaari ka nilang pagkatiwalaan.
5.Ang maaari kong gawin upang mapangibabaw sa lahat ng pagkakataon ang katapatan ay ang paggawa ng tama at mabuti sa kapwa sa anumang sitwasyon o gaano man kahirap ang pagkakataon.
Explanation:
pabrainlest po plssssssssssssss