Gawain sa pagkatuto bilang 2. Panuto: Iugnay ang sariling damdamin sa inihayag ng napakinggang tula.

1. Sa aking paanan ay may isang batis, Maghapo't magdamag na nagtutumangis; Sa mga sanga ko ay nangakasabit Ang pugad ng mga ibon ng pag-ibig.

Damdamin _______________

2. Ang mga kampana sa tuwing orasyon, Nagpapahiwatig sa akin ng taghoy; Ibon sa sanga ko'y may tabing ng dahon, Batis sa paa ko'y may luha nang daloy.

Damdamin _______________

3. Wala na, ang gabi ay lambong na luksa, Panakip sa aking namumutlang mukha; Kahoy na nabuwal sa pagkakahiga, Ni ibon ni tao'y hindi na matuwa!

Damdamin _______________

4. At iyong isipin nang nagdaang araw, Isang kahoy akong malago't malabay; Ngayon ang sanga ko'y krus sa libingan, Dahon ko'y ginawang korona sa hukay.

Damdamin _______________

5. Ngunit tingnan niyo ang aking narating, Natuyo, namatay sa sariling aliw; Naging krus ako ng magsuyong laing At bantay sa hukay sa gitna ng dilim.

Damdamin _______________​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.