Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Gamit ang iyong kasagutan sa dayagram sa itaas, sumulat ng isang talata na naglalaman ng mga sanhi at bunga tungkol sa COVID-19 pandemic. Isulat ang sagot sa iyong kwaderno.
Explanation:eto pa meron pa Huhuhu patulong nmn ohh
Answers & Comments
Answer:
Marahil ay marami ka nang nakita at narinig tungkol sa coronavirus (COVID-19) at kung paano mapapanatili ang iyong kaligtasan at ng iyong pamilya. Ngunit paano ang tungkol sa iba pa, gaya ng mga mabalahibong miyembro ng pamilya - ang iyong mga alagang hayop? Sa ibaba, ang Administrasyon ng Pagkain at Gamot ng Estados Unidos ay may handog na ilang mga katanungan at sagot upang makatulong na mapanatiling ligtas ka, ang iyong pamilya, at ang iyong mga alagang hayop sa panahon ng pandemya.
T. Maaari ba akong makakuha ng COVID-19 mula sa aking alaga o ibang hayop?
S. Batay sa limitadong impormasyon na maaring magagamit sa kasalukuyan, ang panganib ng mga alagang hayop sa pagpapalaganap ng virus na sanhi ng COVID-19 sa mga tao ay itinuturing na mababa. Sa oras na ito, walang ebidensya na ang mga hayop ay may mahalagang papel sa pagkalat ng virus na sanhi ng COVID-19. Mayroong maliit na bilang ng mga hayop sa buong mundo na iniulat na nahawahan ng virus na sanhi ng COVID-19, karamihan ay pagkatapos ng pagkakaroon ng malapit na pakikisalamuha sa isang taong may COVID-19.
Hanggang sa ating matutunan kung paano nakaapekto ang virus na ito sa mga hayop, itrato ang mga alagang hayop gaya ng pagtrato sa mga miyembro ng pamilya para maprotektahan sila mula sa posibleng impeksyon. Ang ibig sabihin nito ay:
Huwag hayaang makihalubilo ang mga alagang hayop sa mga tao o ibang hayop sa labas ng sambahayan.
Kung maari ay panatilihin ang mga pusa sa loob ng bahay upang maiwasan ang pakikihalubilo ng mga ito sa ibang mga hayop o tao.
Palakarin ang mga aso ng may tali na nagpapanatili ng hindi bababa sa 6 talampakan (2 metro) mula sa ibang mga tao at hayop.
Iwasan ang mga parke para sa mga aso o pampublikong lugar kung saan nagtitipon ang maraming tao at aso.
Kung ang iyong alagang hayop ay nagkakasakit o mayroon kang anumang ikinababahala tungkol sa kalusugan ng iyong alaga, makipag-usap sa iyong beterinaryo.