Questions


September 2023 0 5 Report
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2. Basahing mabuti ang maikling kuwento. Isulat sa kuwademo ang iyong sagot sa mga tanong na nakasulat pagkatapos ng kuwento.



Mga Bilin ni Tatay Bok kay Pie
Hango sa kuwento ni Shiela Mae Ortiz



Sa tahanan naming mga buko pie, sinasabi ni Tatay Bok sa akin, "Pie mag-ingat ka palagi." Marami siyang bilin saan mang sulok ng bahay. Bilin ni Tatay Bok pagkatapos maglampaso sa salas, "Pie dahan-dahan sa paglakad sa sahig, baka madulas ka." Bilin ni Tatay Bok habang nagsisindi ng kandila sa harap ng altar, "Pie mag-ingat ka sa posporo, baka mapaso ka." Bilin ni tatay Bok habang nananahi siya, "Pie, mag-ingat sa karayom. Matulis ito, baka matusok ka. Bilin ni Tatay Bok habang nagbabalat ng sibuyas sa kusina, "Pie, mag-ingat ka sa paghawak ng kutsilyo. Huwag mong paglalaruan ito, baka masugatan ka. Isang araw, sa aming kusina niyaya ako ni Cherry ng luto-lutoan. "Pie heto ang kutsilyo hatiin mo iyong dahon," sabi ni Cherry. "Ayoko, sabi ni tatay Bok, huwag ko daw paglalaruan ang kutsilyo, baka masugatan ako," tugon ko. "Sige ako na lang," pagpupumilit ni Cherry. Maya maya, "Aray!" malakas na sigaw niya kasabay ng pagtulo ng dugo sa kaniyang daliri. Tara kay Tatay Bok para magamot niya ang daliri mo," wika ko. Habang ginagamot si Cherry. naghanda ako ng isang basong tubig para kay Cherry. Ikinuha ko siya ng biskuwit. Maingat kong binuksan ang biskuwit gamit ang isang gunting.


QUESTION
1. Ano-ano ang mga bilin ni Tatay Bok kay Pie? 2. Batay sa kuwento anong uri ng bata si Pie? 3. Bakit nasugatan si Cherry?
4. Ano ang aral na maaring mapulot sa kuwento? 5. Paano mo maipapakita sa mga batang tulad mo ang pagiging masunurin?​

Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.