Questions


September 2022 1 2 Report
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2 : Basahin at unawain ang ulat at sagutin ang mga tanong tungkol
dito. Isulat ang sagot sa sagutang papel
Hinimok ng Department of Education (DepEd) ang iba't ibang ahensya ng pamahalaan at mga
sektor para magtulungan na palakasin pa ang proteksyon ng mga bata laban sa mga banta ng
cybercrime.
Inihayag ito ng DepEd kasabay ng pakikiisa sa pagdiriwang ng Sater Internet Day nitong
Biyernes, Pebrero 12, 2021. Ano ang panawagan ng DepEd?
"Sa patuloy na pag-usad tungo sa kinabukasan, hindi maiiwasan ang paggamit ng Internet
bilang parte ng pag-unlad ng lipunan. Kung kaya kinakailangan na tiyakin ang kaligtasan ng susunod
na henerasyon mula sa mga banta ng cyber realm," ayon sa DepEd.
Hinikayat ng kagawaran ang iba't ibang ahensya ng gobyerno, media, lider ng mga sektor,
miyembro ng mga pamayanan, mga magulang, at ibang stakeholder para tumindig kasama ang
DepEd sa pagbuo ng mas ligtas, friendlier at mas maayos ng digital world para sa mga bata.
#DepEdPhilippines #DepEdTayo #Handanglsip #HandaBukas #Sulong Edukalidad
1. Ano ang panawagan ng Department of Education sa iba't ibang ahensya ng pamahalaan at mga
sektor ng ating lipunan?
2. Bakit hinihimok ng Kagawaran ang bawat isa na protektahan ang mga kabataan?
3. Ano ang kailangang tiyakin ng sinoman, lalo na ng mga kabataan sa paggamit ng internet?
4. Paano mo nasisiguro ang ligtas na paggamit ng internet o iba pang social media?
5. Kailan masasabi na ligtas at maayos ang digital world para sa mga kabataan?​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.