Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Sagutin ang mga tanong tungkol sa nabasang sanaysay. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel. 1. Anong uri ng hayop ang dugong? Ilarawan ito. 2. Paano nabubuhay ang dugong habang sanggol pa ito? 3. Ilarawan ang ugnayan ng dugong sa ina nito. Katulad ba ito ng ugnayan ng tao sa kaniyang ina? 4. Bakit nanganganib na mawala ang mga dugong? 5. Ano ang dapat gawain upang mapangalagaan ang mga dugong?
Answers & Comments
Verified answer
Answer:
ANG MGA DUGONG
Explanation:
1. ANONG URI NG HAYOP ANG DUGONG.
Ang Dugong ay isang malaking anyo ng hayop na matatagpuan sa dagat, ito ay nabibilang sa kategorya ng mga mammal.
Nabibilang sila sa espesye ng order ng Sirenia. Lumalaki silang hanggang 3 metro ang haba na may bigat na
halos 500 kilo. Sila ay tinagurian 'Herbivores' o mga pawang halamang dagat lamang ang kanilang kinakain.
2.PAANU NABUBUHAY ANG SANGGOL NA DUGONG
Ang mga dugong ay nahahanay sa kategorya ng mga mammal, na kung saan ay may kakayanan magpasuso at nakakapag palabas ng gatas.
ang mga bata/sanggol na dugong ay lageng kasakasama ng mga ina upang masuplayan ng gatas mula sa kanilang suso.
3. UGNAYAN NG SANGGOL NA DUGONG AT SANGGOL NA TAO
Ang ugnayan ng sanggol na dugong at sanggol na tao ay magkatulad. Dahil nakadepende ang bawat sanggol sa gatas ng
kanilang ina upang mabuhay sa mga unang buwan ng kanilang buhay. Pagkaraan nito ay maututo na silang maka kain ng tunay na pagkain na sasapat sa kanilang pangangailangan.
4. NANGANGANIB NA PAGKAWALA NG DUGONG
Ang mga Dugong ay nakadepende sa mga halamang dagat na kanilang pangunahing pinagkukunan nila ng pagkain, ngunit dahil sa
polusyon wala nang masyadong mga tumutubong mayayabong at masusustansyang halamang dagat kung kayat nagdudulot ito
ng pagkagutom at nagdadala sa kanila na makakain ng ibang bagay sa karagatan na hindi naangkop sa kanila at nag dudulot ng kanilang pagkamatay.
5.DAPAT GAWIN UPANG MAPANGALAGAAN ANG MGA DUGONG
-Pangalagaan ang karagatan sa pamamagitan ng hindi pagtatapon ng basura at pagpapayabong ng mga likas yamang dagat upang
ang mga hayop na umaasa at nabubuhay sa karagatan ay mapangalagaan.
Para sa iba pang impormasyon tungkol sa Mga Dugong, maaari lang bisitahin ang link na ito:
brainly.ph/question/10696859
#BRAINLYEVERYDAY