Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Piliin ang titik ng tamang sagot sa bawat katanungan. Isulat ang titik ng
tamang kasagutan sa inilaang guhit.
1. Ano ang kemikal na nagsisilbing stimulant na nagpapasigla at pinananatiling alerto ang pakiramdam
kaya dahil dito marami ang umiinom ng kape pagkagising sa umaga o kapag inaantok ?
A. nicotine
B. caffeine
C. alcohol
D. kape
2. Alin sa mga ito ang hindi kabilang sa gateway drug?
A. nicotine
B. iron
C. alcohol
D. caffeine
3. Ano ang kemikal na nagsisilbing stimulant, isang kemikal na nagpapasigla at pinananatiling alerto
ang pakiramdam na karaniwang matatagpuan sa tabako?
A. nicotine
B. caffeine
C. alcohol D. kape
4. Alin sa mga sumusunod na produkto ang nagtataglay ng nicotine?
А. kape
B. sigarilyo
C. tsokolate D. Tsaa
5. Hindi pinahihintulutan ni Aling Luisa na uminom ng kape ang kanyang maliliit na anak, bakit kaya?
A. baka nerbiyosin ang mga ito.
B. sapagkat masama ito sa kalusugan
C. dahil makakasagabal ito sa kanilang paglaki D. dahil mangingitim ang mga anak niya
6. Hikain ang pamilyang pinagmulan ni Joanna, alin sa mga sumusunod ang dapat niyang iwasan?
A. pagkain ng matatamis na pagkain
B. pag-eehersisyo at paliligo
C. makalanghap ng usok ng sigarilyo
D. pag-inom ng mga gamot sa ubo at sipon
_7. Nagkaroon ng biglaang trapiko sa kalsada, sapagkat nagkabungguan ang dalawang sasakyan na
napag-alamang parehong nakainom ng alak ang nagmamaneho nito. Alin ang angkop na saloobin dito?
A. Ang sobrang pag-inom ng inuming may alcohol ay hindi mabuti ang epekto.
B. Ang pag-inom ng inuming may alcohol ay nakabubuti sa katawan ng tao.
C. Ang pag-inom ng inuming may alcohol ay nakakadagdag ng lakas ng loob
D. Ang pag-inom ng inuming may alcohol ay nakatutulong sa trapiko.​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.