Questions


February 2022 1 4 Report
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Magbigay ng apat na salitang may
kaugnayan sa kahulugan ng salitang responsibilidad. Sa iyong sagutang
papel, punan ang Word Bubble sa ibaba.

Responsibilidad

Mahusay! Natukoy mo na ang kahulugan ng salitang
responsibilidad. Ngayon naman ay palalimin natin ang talakayan hinggil
dito. Bakit nga ba mahalaga ang pagtupad ng responsibilidad ng isang
tao?
Unang-una, ang pagtupad ng responsibilidad o pagiging responsable
ay nagpapanatili ng mabuting ugnayan sa ating
kapwa, kaibigan at kapamilya. Maipapakita mo
ito sa pamamagitan ng pagiging mapanagutan
sa pagtupad sa mga pangakong binitiwan. Ang
pagkakaroon ng isang salita ay indikasyon na
ikaw ay tapat at may mabuting karakter.

8

PIVOT 4A CALABARZON EsP G6
Naranasan mo na bang magbigay at mabigyan ng pangako?
Tandaan, sa bawat pangako na binibitawan ay may katumbas palagi itong
pananagutan. Maliit man o malaki ang iyong pangako, hindi ito dapat
mapako. Ika nga ng mga matatanda, “Huwag mong yakapin ang puno
kung alam mong hindi mag-aabot ang iyong mga kamay”. Ganon rin sa
pagbibitaw ng pangako. Huwag kang mangangako kung hindi mo naman
ito kayang tuparin.
Ngunit may mga pagkakataon na hindi maiiwasan na hindi natin
natutupad ang mga binitiwang pangako dahil sa mga personal na dahilan o
mga hindi inaasahang pangyayari. Halimbawa, ang pagkakaroon ng
karamdaman o hindi inaasahang suliranin sa tahanan o paaralan na
nagiging hadlang upang hindi matupad ang ipinangako. Kapag nangyari ito
ay hindi naman ibig sabihin na ikaw ay iresponsable. Upang maiwasan na
mapahiya o matawag na iresponsable ay matuto kang humingi ng
paumanhin at magpaliwanag kung bakit hindi mo matutupad o natupad
ang iyong pangakong binitiwan. Sa pamamagitan nito ay mapapanatili mo
pa rin ang magandang ugnayan sa taong iyong napangakoan. Dahil dito
hindi mo masisira ang tiwala ng kapwa sa iyo.

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.