Questions


December 2022 2 5 Report
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Basahin at unawain ang maikling tula sa ibaba. Sagutin ang mga tanong. Gawin ito sa iyong sagutang papel. Kagamitang Materyal, Pahahalagahan Ko! ni: Beverly D. Sastrillo Mga materyal na bagay na aking nahahawakan, lubos na iniingatan sapagkat pinagpaguran. Hindi biro ang hirap at pawis ng aking magulang, maibigay lamang ang mga bagay na aking kailangan. Mga kagamitan, personal man o pampaaralan, nararapat na pinahahalagahan 'pagkat kailangan. Wastong paggamit at pangangalaga, aking isinasabuhay at isinasagawa. Maraming mga kagamitan ang ating nakikita, maaaring likas o gawa ng ating kapuwa, Sa modernong mundo at teknolohiya sa ngayon, pag-iingat sa paggamit ang nararapat ituon. Pangangalaga'y isasapuso at paghuhusayan, upang magamit nang pangmatagalan. Wastong paggamit at pagpapahalaga, sa mga bagay na bigay ng Dakilang Lumikha. Mga tanong: 1. Ano ang paksa ng tula? 2. Ayon sa tula, ano ang dapat gawin sa mga kagamitang materyal? 3. Bakit kailangan gamitin nang wasto ang mga kagamitang ito? 4. Ano ang katangiang dapat taglayin ng batang tulad mo upang magamit nang matagal ang mga kagamitang materyal na ito?​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.