Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Basahin at unawain ang maikling tula. Pagkatapos, sagutin ang sumusunod na katanungan. Gawin ito sa iyong sagutang papel. Pagpapahalaga sa Sarili at sa Ating Kapuwa ni: Myrasol D. Beltran Ang lahat ng bagay dito sa mundo, biyayang bigay sa atin ng Diyos na totoo. May buhay man o wala ay napakahalaga, kaya't pag-ingatan at dapat italaga. Ang ating sarili ay dapat ingatan, dapat mahalin at huwag pabayaan Kumain nang wasto sa takdang-oras, mag-ehersisyo upang maging malakas. Sa pagpapahalaga ng ating sarili, kagandahang-asal paunlari't huwag ikubli. Pagpapahalaga sa kapuwa ay ibigay, taos-pusong pagdamay ay siyang ialay. Kaya't pagmamahal sa kapuwa ay ugaliin, paggalang at pagtulong ay pag-ibayuhin. Pagrespeto sa bata lalo sa mga nakatatanda, gawing pamantayan ng ugaling maganda. Pagpapahalaga sa sarili at sa ating kapuwa, isang tanda ng taong may lubos na pang-unawa. Pagmamahal sa sarili at maging sa ibang tao, tanda ng kabutihan at pagiging totoo. Kaya halina't gawing gawi mga katoto, ang lahat ng nabanggit ay gawing totoo. Itatak sa puso at isipan, palaging isabuhay at pahalagahan.
yan po Yung mga tanong: pasagot po nag maayos...
Answers & Comments
1. pagpapahalaga sa sarili at sa ating kapuwa.
2. dapat Mahalin at huwag pabayaan kumain nang wasto sa takdang-oras, mag ehersisyo upang maging malakas
3. dapat mahalin ng higit pa sa iyong sarili
4. dapat mahal at huwag pabayaan, kumain nang wasto sa takdang-oras.
5. dahil iisa lang ang ating buhay kaya dapat natin pahalagahan.