Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Basahin at unawain ang maikling talumpati sa ibaba.
Mga Kaibigan, naalala mo pa ba noong panahong ika’y malaya pa? Malayang makalabas ng tahanan at
makapasok sa paaralan? Panahong maari kang pumunta kahit saan dahil wala pang quarantine? Totoong
nakakapanghinayang kapag naiisip ko ang mga panahong wala pa ang pandemyang Covid-19. Sana nggayon
ako ay nasa face-to-face na klase at nakakasama ang aking mga kaeskwela.
Naalala ko ang mga panahong masaya kaming nagtutulungan sa mga aktibiti sa paaralan bagamat
mahirap at nakakapressure ang gawain. Kapag nasa paaralan na at sinususpende ni Gov ang klase walang
dudang kami ay masaya dahil nakakapaglakwatsa. Minsan ginagabi na sa pag-uwi kaya siguradong sermon ni ina
ang sasalubong ngunit ang mahalaga nakasama mo ang tropa.
Nahihirapan ako sa sitwasyon ngayon lalo na sa distance learning pero walang akong magagawa kundi
sumunod sa agos ng panahon. Sa pagdating nga Covid-19 vaccine umaasa akong bumalik na ang dati bagamat
takot ako sa bakuna ay nanaisin kong magpabakuna upang maging ligtas sa banta ng pandemya. Sa lahat ng ito
umaasa akong gabayan tayo lagi ng Panginoon. Samakatuwid dapat tayong magtulungan lahat at sumunod sa
mga pinag-uutos ng pamahalaan lalo na ang health protocol ng IATF. Pasasaan ba at makakabalik din tayo sa
normal.
Sagutin ang sumusunod na mga tanong.
1. Ano ang paksa ng Talumpati?
____________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________
2. Sa iyong, palagay sino ang nagsasalita sa talmpati?
____________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________
3. Kumuha ng pangungusap mula sa talumpati at isulat ito sa nakalaang espasyo.
a. Pangungusap na nagsasaad ng pagsang-ayon.
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
b. Pangungusap na nagbibigay ng konklusiyon
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
c. Pangungusap na nagsasaad ng pagtutol o pagsalungat.
_____________________________________________________________________________
Answers & Comments
Answer:
1.Ay Ang tungkol sa Malaya at masaya,noong wala pang quarantine
2.maybe tayo or Ang kaibigan.
3.
A.masaya noong wala pang virus at quarantine,dahil lahat tayu ay masaya at malayang nasa galaan o kaya nasa labas ng bahay.
B.umaasa akong gabayan ng panginion.
C.minsan ginagabi sa pag uwi kaya siguradong sermon si ina.
#carryonlearning
uso din pong MAGBASA with respect.