Questions


September 2022 2 1 Report
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Basahin at unawain ang kuwento. Sagutin ang mga tanong. Gawin ito sa kuwademo. Maalagang Anak Akda ni Ria P. Mateo Isang Sabado ng umaga, kumakain ng suman at tsokolateng inumin si Jodi habang nanonood ng paborito niyang palabas sa telebisyon. Nang matapos na siyang manood ng telebisyon, pumunta na siya sa kusina upang hugasan ang kaniyang pinagkainan. Nakita niya na hindi pa nahuhugasan ang mga pinggan, kaldero, at kawali. "Nasaan kaya si nanay?" tanong ni Jodi sa kaniyang sarili na may halong pangamba. Dall-dali siyang pumunta sa silid ng kaniyang mga magulang. Pagbukas niya ng pinto, nakita niyang nakahiga ang kaniyang nanay Fely sa kama. "Maysakit ka po ba nanay?", nag-aalalang tanong ni Jodi sa ina. May sinat lang ako at masakit ang aking ulo. Kailangan ko lamang uminom ng gamot at magpahinga" tugon ni Nanay Fely. "Mahiga lang po kayo at magpahinga, nanay. Ikukuha ko po lang po kayo ng gamot at inuming tubig. Ipaghahanda ko rin po kayo ng makakain", sabi ni Jodi. "Salamat anak". wika ni Nanay Fely. Nagdala si Jodi ng isang mangkok na sabaw, isang tinapay na may palamang keso, at isang saging. Inalalayan niya sa pag-inom ng gamot at sa pagkain ang kaniyang ina. Pagkatapos bumalik siya sa kusina upang hugasan ang mga naiwang hugasin, Kinagabihan, binalikan ni Jodi ang kaniyang nanay upang pakainin ng hapunan at painumin muli ng gamot. Bago matulog, sinilip muna niya ang kaniyang nanay upang tingnan ang kalagayan nito. Natutulog na ito ng mahimbing kung kaya't dumeretso na siya sa kaniyang silid. Nagdasal muna siya bago matulog. Kinabukasan, maayos na ang pakiramdam ni Nanay Fely. Nagpasalamat siya kay Jodi sa pag-aalaga sa kaniya. Masayang kumain ng almusal ang mag-ina.​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.