Questions


December 2021 1 13 Report
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Basahin ang kuwento at sagutin ang mga
tanong sa ibaba. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.
Buwan ng Marso, Tatlong araw bago ideklara ni Pangulong Duterte
ang Community Quarantine para sa Metro Manila. Si Mang Rodel ay isang
manggagawa sa nasabing lugar. Puno ng takot at alinlangan ang kanyang
isipan. Hindi malaman kung uuwi sa probinsya kung saan nandoon ang
Desisyon Ko, Para sa Kabutihan Ko at Pamilya ko
pamilya o mananatili sa siyudad na walang kasiguraduhan. Nagpaalam
Ni Lilibeth M. Velasco
siya sa kanyang amo na uuwi muna sa pamilya at babalik nalang kapag
wala na ang pandemic subalit hindi siya pinayagan nito. “Kapag umuwi
ka, wala ka ng trabahong babalikan." sagot nito. Sa kabilang dako, puno
ng pag-aalala ang kanyang pamilya, "Anong kakainin mo diyan kung wala
na kayong trabaho at ipasara ang inyong kompanya?" tanong ni Jona sa
asawa. "Umuwi ka na muna dito para sa kaligtasan mo, tulong-tulong na
lang tayo na haharap sa problema." dagdag nito.
Pinag-isipang mabuti ni Mang Rodel ang mga bagay bagay. Inisip
ang mga maaring mangyari sa trabaho, sarili at pamilya. Marso 14 ng gabi,
pagkagaling mula sa trabaho, dala ang kanyang mga gamit ay sumakay
siya ng bus pauwi ng probinsya.
Sinalubong siya ng ngiti at yakap ng pamilya. "Yehey! andito na si
tatay." masayang-masayang nasabi ni Erika, ang anak ni Mang Rodel.
Tuwa ang nadama ni Mang Rodel. Sa isip niya marami pa namang
trabaho na mapapasukan pagkatapos ng COVID 19. Ang kaligtasan niya
at ng kanyang pamilya ang mahalaga. Sa ngayon, mamumuhay sila ng
simple, basta sama-sama at malusog ang bawat isa.
Sagutin ang mga tanong:
1. Sino ang tauhan sa kuwento?
2. Bakit gustong umuwi ni Mang Rodel?
3. Naging madali ba para kay Mang Rodel ang magdesisyon? Bakit?
4. Ano ang dahilan bakit pinili niya na umuwi?
5. Kung ikaw si Mang Rodel, ano ang magiging desisyon mo? Bakit?
PIVOT 4A CALABARZON​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.