Gawain sa Pagkatuto 4: Pag-aralan at pagnilayan ang
mga sitwasyon. Sa iyong sagutang papel, isulat kung ano ang
gagawin mo.
1. Biglaang naglockdown na naman sa inyong lugar. Nawalan
ulit ng trabaho ang iyong tatay. Wala na kayong bigas para
sa susunod na mga araw. Batid mong walang-wala na talaga
ang iyong pamilya. May roon kang unting halagang ipon sa
iyong alkansiya. Ito ay matagal mo ng pinakatago-tago at
pinag-iipunan dahil nais mong makabili ng pinapangarap
mong cellphone.
Answers & Comments
Answer:
Ang aking gagawin sa sitwasyong ito ay ibibigay ang ipon na mayroon ako sa aking magulang. Hindi kami mapapakain ng cellphone na pinapangarap kong bilhin kung kaya't ibibigay ko na lamang ang ipon ko sa aking magulang bilang tulong nang walang hinihinging kapalit