Gawain sa Pagkatuto 3

Panuto: Batay sa iyong natutunan sa tekstong nabasa at napakinggan. Dugtungan at bumuo ng pangungusap gamit ang mga hudyat ng sanhi at bunga na makikita sa bawat bilang.

Story:

Si Prinsipe Bantugan ay kapatid ni Haring Madali sa kaharian ng Bumbaran. Ang prinsipe ay balita sa tapang at kakisigan, kaya't maraming dalaga ang naaakit sa kanya. Dahil sa pangyayaring ito, si Haring Madali ay naiinggit sa kapatid. Nag-utos siya na ipinagbabawal na makipag-usap ang sinuman kay Prinsipe Bantugan. Ang sinumang mahuling makipag-usap sa prinsipe ay parurusahan. Nalungkot si Prinsipe Bantugan at siya'y naglagalag, siya'y nagkasakit at namatay sa pintuan ng palasyo ng Kaharian ng Lupaing nasa Pagitan ng Dalawang Dagat. Ang hari rito at ang kapatid niyang si Prinsesa Datimbang ay naguluhan. Hindi nila kilala si Bantugan. Tumawag sila ng pulong ng mga tagapayo. Habang sinasangguni nila ang konseho kung ano ang gagawin sa bankay, isang loro ang pumasok. Sinabi ng loro na ang bangkay ay si Prinsipe Bantugan na mula naman sa Bumbaran at ibinalita naman ang pangyayari kay Haring Madali.

Nalungkot si Haring Madali. Dali-dali siyang lumipad patungo sa langit upang bawiin ang kaluluwa ni Bantugan. Nang makabalik si Haring Madali, dala ang kaluluwa ni Bantugan, ay dumating din si Prinsesa Datimbang na dala naman ang bangkay ni Bantugan. Ibinalik ang kaluluwa sa katawan ni Bantugan. Nabuhay na muli si Bantugan at nagdiwang ang buong kaharian pati na si Haring Madali.

1. Si Haring Madali ang nararapat na tagapagmana ng trono sapagkat siya ang
________________________________.
2. Dahil si Bantugan ay napalakisig, napakalakas at napakatapang, maraming kababaihan ang ________________________________.

3. Si Bantugan ay nakababatang kapatid kaya siya ay ________________________________.

4. Labis ang pagmamahal at respeto ni Prinsipe Bantugan sa kanyang kapatid kaya ________________________________.

5. Buong bangis kung makikipaglaban si Prinsipe Bantugan, bunga nito ang buong kaharian ay ________________________________.​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.