Questions


October 2022 1 1 Report
Gawain sa Pagkatuto 1
Basahin at unawain ang teksto. Igawa ito ng balangkas na may dalawang bahagi.
ANG SIGARILYO AT ANG ALAK
Hindi pa rin halos na nagkakaisa ang mga doktor sa kapinsalaang idinudulot ng paninigarilyo sa
katawan ng tao. Ngunit nagkakaisa ang lahat ng nakakaalam na masama ang manigarilyo para sa mga
bata at lumalaki pa.
Heto ang tanong ng marami: “Ano ang bisa ng paninigarilyo sa mga batang lumalaki?” Ito ang
kinalabasan ng pananaliksik ng samahan ng mga dalubhasang manggagamot sa buong daigdig:
Nakapagpapahina sa mga selula ng katawang lumalaki ang tabako. Ang mga kinakain ng
naininigarilyo ay hindi gaanong natutunaw ng panunaw sa loob ng katawan.
Nag-iiwan ng masamang lasa sa bibig ang paninigarilyo na siyang nakapagpapaalis ng gana sa
pagkain.
Nakapagpapabilis sa tibok ng puso ang nikotina ng sigarilyo kaya’t hindi nakapagpapahinga ang
puso. Ito ang dahilan kung bakit pinagbabawalan ang mga manlalaro na manigarilyo.
Ang paninigarilyo ay nakamamantsa sa ngipin, nagkakaroon ng kulay ang mga kuko at nagiiwan ng amoy tabako sa hininga.
Madalas sipunin at matagal gumaling ang sipon ng isang maninigarilyo kaysa sa hindi.
May masamang bisa rin ang nikotina ng tabako sa katalinuhan ng pag-iisip at pagtatanda sa
mga pangyayari.
Naniniwala ang maraming doktor na nakasasama rin ang paninigarilyo sa mga taong may sapat
na gulang. Nakasasama ito sa mga taong may karamdaman sa bituka lalo na’t may sakit na ulser at
sa mga may sakit sa puso. May bisa rin itong nakasusugat sa bibig at lalamunan na maaaring mauwi
sa sakit na bronchitis o impeksiyon sa sinusitis o kanser sa baga.
Katulad ng nagiging bisa ng tabako sa katawan halos nagkakaisa rin ang mga manggagamot
na ang pag-inom ng mga inumin tulad ng alak, serbesa at wiski ay may matagalang bisa rin sa
katawan.
Nagkakaisa ang mga nakakaalam sa masamang nagiging bisa ng alak sa katawan tulad ng
sumusunod:
Mga Karapatan ng Mamamayan
I. Karapatang Likas
A. Karapatang Mabuhay
B. Karapatang maging maligaya
C. Karapatang umibig
II. Karapatang Konstitusyunal
A. Karapatan sa Saligang Batas
1. Kalayaan sa paghalughog
2. Kalayaan sa komunikasyon
3. Karapatan sa pamamahayag
4. Kalayaan sa relihiyon
5. Kalayaan sa paninirahan
B. Karapatang itinatakda ng batas
1. Karapatan sa pagmamana
Tandaan
Ang balangkas ay maaaring gumamit ng paksa o
pangungusap. Sa anyong salita o parirala, hindi
ginagamitan ng bantas. Madaling mailahad ang
maikling kabuuan ng paksang tatalakayin at mabilis
pa itong isulat kaysa pabalangkas na pangungusap.
Ang pabalangkas na pangungusap ay gumagamit ng
buong pangungusap sa lahat ng entrada at
nilalapatan ng wastong bantas. Kung sisimulan ng
patanong ang balangkas, dapat ay patanong din ang
iba pang bahagi nito.
F 1 0 @ 3 r d q t r m m a n | 10
Ang mga umiinom ay nawawalan ng panlaban sa impeksiyon sapagkat nawawalan ng
panlaban sa sakit ang mapuputing selula sa loob ng kaniyang katawan.
Mas umiikli ang buhay ng mga taong labis ang pag-inom kaysa sa mga hindi umiinom.
Nagiging ugali na ng isang tao ang madalas na pag-inom ng alak.
May mga tao naming hindi gaanong nagugumon sa pag-inom ng alak. Ngunit sa panahong ito
hindi sila nakatitiyak na hindi sila magmamalabis sa hinaharap. Ito ang dahilan kung bakit dapat
iwasan ang pag-inom.
Higit na nagkakaroon ng mga aksidente ang mga nagmamanehong nakainom ng alak,
isinusuong nila ang kanilang buhay sa panganib, gayon din ang buhay ng sa kanilang sasakyan ay
nakasakay. Madalas ding masangkot sa mga aksidente ang mga lasing na naglalakad.
Nakaaalis din ng gutom ang alak, kahit na wala itong halaga bilang pagkain. Ito ang dahilan
kung bakit nakakawalang gana sa pagkain na kailangan ng katawan ng tao.
Ngayon ba ay naniniwala na kayo na ang alak ay walang kabutihang naidudulot sa katawan ng
tao lalo na mga lumalaking batang babae at lalaki?
Kaya’t nararapat na paglabanan ang pag-inom ng anumang alcohol tulad ng alak.

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.