Gawain: Punan Natin Panuto: Batay sa mga kahulugan ng akademikong sulatin, piliin sa kahon at punan ng tamang salita ang bawat patlang sa talata. Sa isang globalisadong lipunang kinabibilangan, nakaaangat ang mga __________ na may kasanayan sa _________ pagsulat o intelektuwal na pagsulat. Isa itong uri ng pagsulat na kailangan ang __________ na antas ng pag-iisip. Ang mahusay na _________ ng akademikong teksto ay may mapanuring pag-iisip. May kakayahan siyang mangalap ng _________ o datos, mag-organisa ng mga ideya, mag-isip nang lohikal, magpahalaga sa orihinalidad at inobasyon, at magsuri at gumawa ng sintesis. Ang akademikong pagsulat ay naglalayong _________ ang mga kaalaman ng mga mag-aaral kaya ito ay tinatawag na intelektwal na pagsulat. May sinusunod itong partikular na kumbensyon na naglalayong maipakita ang resulta ng pagsisiyasat, pananaliksik o __________ na ginawa. Nangangailangan ito ng higit na mataas na antas ng mga _________. Kailangang malinang at mapaunlad ang kritikal na pag-iisip, pagsusuri, paggawa ng sintesis, at pagtataya. Ayon nga kay Karen Gocsik (2004), dahil ginagamit ito sa _________ na edukasyon, mahalagang makilala ang mga konsepto nito gaya ng ginagawa ito ng mga iskolar para sa iskolar, nakalaan sa mga paksa at mga tanong na kinagigiliwan ng akademikong komunidad, at naglalahad ng mga __________ argument​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.