Questions


September 2022 1 1 Report
Gawain Panuto: Basahin ang halimbawa. Sagutin ang mga tanong tungkol sa binasa.

MODERATOR: Magandang hapon, mga kasama. Sa araw na ito ay matutunghayan ang isang debate sa pagitan ng dalawang mahusay na panig. Ang proposisyon na kanilang pagtatalunan: "Nararapat na bang magkaroon ng face-to-face classes o hindi pa." Ang bawat panig ay may dalawang minuto upang sabihin ang kanilang argumento. Atin silang pakinggan.

SUMASANG-AYON: Nais kong ipahayag ang aking pagsang-ayon sa paksa. Nararapat nang magkaroon ng face-to-face classes dahil may mga magulang at mag-aaral na nahihirapan sa kanilang mga aralin. Makikita sa datos na may mga mag-aaral na walang gadget sa bahay at tanging mga kapatid lamang ang kasama habang nasa trabaho ang kanilang mga magulang. Hindi lahat ng aralin ay kayang ituro sa kanila.

HINDI SUMASANG-AYON: Hindi ako sumasang-ayon. Sa tingin ba ninyo ay ligtas nang lumabas ang mga kabataan? Hindi pa dapat magkaroon ng face-to-face classes dahil lubhang delikado pa ang sitwasyon. Makikita sa datos na patuloy ang pagtaas ng Covid19 cases. Nitong Peb.26 ay nasa 111 ang itinaas ng bilang ng mga nagkaroon ng Covid 19 sa ating lungsod. Maaari namang sumali sa online consultation ang mga mag-aaral na nahihirapan sa aralin. Manatili na lamang muna sa bahay at ipagpapatuloy ang pag-aaral gamit ang modyul. Makipag-ugnayan sa mga guro kung may tanong o hindi maunawaan sa aralin,

MODERATOR: Narinig natin ang pahayag ng magkabilang panig, tunay ngang may mabigat na katwiran ang bawat isa. Ano man ang maging pagpapasya sa isyung ito, marapat na manang kung ano ang makabubuti para sa lahat.

Mga Tanong:

1. Ano ang ginamit nila upang suportahan ang kanilang katwiran?

2. Anong uri ng mga pangungusap ang ginamit sa debate?

3.Ano ang napansin mo sa naging palitan ng argumento ng mga nagdebate? Anong mga pag-uugali at pananalita ang kanilang ipinakita?

1-4​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.