Noong unang panahon nagtanim si Bathala ng kalabasa at duhat.Gusto niyang makita kung papano magsilaki ang mga ito.
Dahil si Bathala ang nagtanim,Kay dali nilang lumaki.Si Duhat ay lumaki pataas na ang tinuturo'y kalangitan.Si Kalabasa naman ay gumapang lang ito ng gumapang,hanggang sa ito'y nakatakda ng mamunga.
Ngunit hindi malaman ni Bathala kung anong uri ng bunga ang ipagkakaloob niya sa dalawang ito.Matamang nag-isip si Bathala.Binigyan ng Bathala si Duhat ng malaking bunga na sinlaki ng banga at maliit na bunga naman ang kay kalabasa.Agad niyang nakita na hindi tama ito,sapagkat nababali ang mga sanga ni Duhat dahil sa bigat ng bunga.Si Kalabasa nama'y hindi bagay dahil maliit ang bunga.Di pansin ang mga bunga nito lalo't natatakpan sa malalapad na dahon.
Muling nag-isip ng malalim si Bathala.Tunay na hindi siya nasiyahan.Napagpasiyahan niya na ipagpalit ang mga bunga ng mga ito.At napatunayan niyang tama and kanyang ginawa.Ginawa niyang kulay berde ang Kalabasa sa dahilang ito'y malayo sa araw.At kulay itim naman ang duhat.Pagka't itoy malapit sa araw.At sa kanyang ginawa'y nalubos ang kasiyahan ni Bathala.
Answers & Comments
Answer: