GAWAIN: ORGANISASYON, MAHALAGA BA ITO?
Panuto: Dahil nalaman mo na ang ilan sa mga pandaigdigang samahan na nagsusulong ng kapayapaan at kaunlaran, isa-isahin ngayon ang mga layunin nito. Pagkatapos ay itala sa tabi nito ang kahalagahan ng nasabing organisasyon. ara ker
MGA ORGANISASYON
LAYUNIN
KAHALAGAHAN NG MGA ORGANISASYON SA MGA BANSA NG DAIGDIG
European Union
Organization of American States
Organization of Islamic Cooperation
ASEAN
Pamprosesong Tanong:
1. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng mga pandaigdigang organisasyon?
2. Paano nakatutulong ang mga ito sa pagkakamit ng pandaigdigang payapa*epsilon kalayaan at kaunlaran?
need ko na po now please answer it correctly
Answers & Comments
Answer:
European Union (EU)
Layunin:
Kabilang sa mga layunin ng EU ang pagsulong ng kapayapaan at ang kabutihan ng mga mamamayan nito, gayundin ang kalayaan, seguridad at panuntunan ng batas na walang mga panloob na hangganan. Ang pagsasama, pagpapaubaya, panuntunan ng batas, pagkakaisa at di-diskriminasyon mahalaga na nagkakaisa sa mga estado ng EU. Mula sa pagtatatag nito, walang digmaan sa mga miyembrong estado ng EU.
Kahalagahan ng Organisasyon:
Ang European Union ay naging daan upang magkaroon ng pagkakaisa sa pamamalakad ang mga bansa sa Europe. Naging daan ang organiasyong ito upang magkaroon ng karapatan ang mga kasaping bansa nito sa mga iba't ibang larangan. Dahil sa organisayon na ito, umusbong ang demokrasya at napabuti ang karapatang pantao sa rehiyong ito. Dahil din dito nabigyan ng mga oportunidad ang mga tao sa Europa na makapagtrabaho sa ibang bansa na kasapi din ng Union na ito na hindi kinakailangan ng "border limits", ibig sabihin, malaya sa migrasyon ang mga mamammayan nito sa rehiyon. At higit sa lahat ang European Uniion ang nagbigay daan sa pagiging matatg at maunlad ng mga bansa sa Europe.
Organization of American States (OAS):
Layunin:
Palakasin ang kapayapaan at seguridad ng kontinente.
Maisulong at pagsamahin ang kinatawan ng demokrasya, na may nararapat na paggalang sa prinsipyo ng hindi nanghihimasok.
Maiwasan ang mga posibleng sanhi ng mga paghihirap at upang matiyak ang pasipikong pag-areglo sa mga hindi pagkakaunawaan na maaaring manggaling sa mga miyembro ng estado.
Magbigay para sa mga karaniwang pagkilos na bahagi ng mga estado sa kaganapan ng pagsalakay.
Hanapin ang solusyon ng mga suliraning pampulitika, hudisyal, at pang-ekonomiya na maaaring manggaling sa kanila.
Kahalagahan ng Organisasyon:
Nagawa nitong ibangon ang isyu ng hamon sa mapayapang pakikipagkaibigan ng mga magkakatabing estado sa pagsulong sa ekonomiya, militar na depensa at sa kultural na pagpapayaman.
Organization of Islamic Cooperation (OIC):
Layunin:
1. Umunlad ang kanilang mga bansa sa pamamagitan ng pagtutulungan.
• Layunin ng mga bansa na maging maunlad upang hindi maghirap ang kanilang mga tao gayundin ang buong ekonomiya ng mga bansang muslim.
2. Mapanatili ang kultura at interes ng mga muslim
• Layunin ng mga bansang muslim na mapalawak ang kanilang lahi lalong-lalo na ang kanilang relihiyon upang mapanatiling malakas ito, sila ay gumawa ng mga organisasyon na makakapalaganap ng kanilang tradisyo, kultura at relihiyon.
3. Upang maging dominante ang populasyon ng mga muslim
• Upang mahikayat ang mga tao na pumasok sa kanilang relihiyon.
Kahalagahan ng Organisasyon:
ang OIC ay pinapalawak ang ugnayan ng mga bansang may dominanteng populsyon ng mga muslim. Isang adhikain nila na lalong umunlad ang klagayang ekonomiya ng mga bansang ito. Mahalaga ang organisasyon sa pagtamasa ng pagunlad at pagkakaisa sa mga Bansa.
Association of Southeast Asian Nations (ASEAN):
Layunin:
Magkaroon ng pagkakaisa gumawa ng desiyon at pagplaplano sa usaping seguridad, mga usaping teritoryo, kalakalan at pangekonomiya sa mga bansa sa timog silangang asya upang magkaroon ng pag-unlad sa rehiyong ito.
Kahalagahan ng Organisasyon:
nagtutulungan ang mga bansa sa timog-asya para sa pagpapaunlad ng bawat ekonomiya
nagsusulong ng panrehiyong kapayapaan
nagbubukas ng mga trabaho at oportunidad
Sana makatulong po :)
Explanation: