GAWAIN BILANG 3
PANUTO: Pillin ang mga parirala o kaisipan na nagsasabi ng kahalagahan ng
pagkakaroon ng pamahalaan. Isulat ang iyong sagot sa isang malinis na
papel
1. pinanatili ang kaayusan at katahimikan
2. nagpapatupad ng mga batas para sa pansariling interes ng opisyales
3. pinipigilan ang kagustuhan ng mga tao
4. pinapaunladang kabuhayan ng mga mamayan
5. Itinataguyod ang mga karapatang pantao
Answers & Comments
Verified answer
Kahalagahan ng Pagkakaroon ng Pamahalaan:
Mahalaga ang pagkakaroon ng pamahalaan sapagkat: (1.) pinanatili ang kaayusan at katahimikan (2.) pinauunlad ang kabuhayan ng mga mamamayan at (3.) itinataguyod ang mga karapatang pantao.
Kailangan ng isang bansa ang pamahalaan upang mapangalagaan ang kapakanan at kaligtasan ng mga mamamayan nito. Mahalaga na may namumuno upang mapanatili ang kaayusan at kaunlaran ng sambayanan. Upang mabuhay ng matiwasay, kailangang maging malusog at malakas ang mga mamamayan. Ang pagkakaroon ng maunlad na edukasyon at mabuting kalagayang pangkalusugan ay kailangan upang maging masagana at kapaki - pakinabang ang lipunan. Ang murang pabahay ay isa lamang sa mga proyekto ng pamahalaan upang matugunan ang pangangilangan ng mga mamamayan nito.
Bakit mahalaga ang pamahalaan: brainly.ph/question/61422
#Let'sStudy