Gawain bilang 2 Panuto: Basahin ang artikulo sa ibaba mula sa balitang isports. Isulat ang iyong reaksiyon o opinyon tungkol dito.


PALARO Mga natutunan ko ngayong panahon ng pandemiko ABYLIEVE - Aby Maraño Pilipino Star Ngayon) - June 13, 2020 - 12:00am Tila huminto ang mundo noong maipatupad ang ECQ sa bansa tatlong buwan na ang nakalilipas. Dumating na kasi ang pinaka-mahirap na kalaban, ang kalabang hindi nakikita. Noong una'y inakala kong pagkatapos ng ilang linggo makakabalik din muli sa dati. Nagdaan na ang ilang araw at ilang linggo na ang nakalipas, tuloy pa rin ang ECQ sa bansa. Pagkaraan ng isang buwan saka ko pa lang natanggap na ito na nga ang kahahantungan natin. Ang paglaganap ng sakit dulot ng COVID-19 ay hindi pa rin humuhupa bagkos ay parami pa nang parami. Sa gitna ng pandemikong ito natutunan kong mas maging pasensiyosa. Naramdaman kong wala namang pagmamadali sa mga bagay-bagay dahil higit na nakapokus ang lahat sa sariling kaligtasan. Ang isports ay isa sa pinaka-naapektuhan ng pandemyang ito. Lahat ng mga laro ay nahinto. Kung listahan naman ng mga aktibida na pahihintulutan ng bumalik sa bansa, ang isports ay nasa hulihan pa ng listahan. Sa panahong ito pagsubok para sa aming mga atleta ang disiplina. Disiplina na magpatuloy sa workout kahit na hindi sanay nang nag-eensayo mag-isa at walang coach na personal nakakasama. Gayunpaman, natutunan kong labanan ang bulong ng mga negatibong boses na nagsasabing "Nakakatamad mag-workout". Mental toughness pa rin ang umiiral. Natutunan ko ring ma-reconnect sa aking pamilya dahil sa matagal na panahong busy ako parati sa pag-lalaro ng volleyball, ito na ang panahong mas marami akong oras sa kanila. Ngayon, nahahagkan ko na ng matagal ang aking ina, nakukurot ko siya sa pisngi at mas natititigan ko siya ng matagal habang w inawari ang kanyang katandaan. Sa paraang ito mas lalo ko siyang minamahal. Tumindi rin ang bonding namin ng aking kapatid at mas marami na kaming nagagawang magkasama. Natutunan kong magpahalaga ng mga tao sa paligid lalo na iyong mga nahihirapan sa sitwa syon ng bansa. Nakiisa ako sa mga grupo na may kusang loob maglikom ng pondo upang makatulong sa maraming pamilyang nangangailangan ng suporta. Mga empleygadong nawalan ng trabaho at sweldo gayun din ang mga frontliner na nangangailangan ng suporta para sa kaligtasan nila ang sinigurado kong mababahagian ng tulong na kaya ko. Natutunan kong mabuhay ng kalmado, walang pinagmamadalian. Ang lahat ay simple lang. I'm taking one day at a time while protecting my inner peace. Sana kayo rin.



Reaksyon:​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.