Questions


September 2022 1 1 Report
Gawain Bilang 2. Basahin mo.
Ang polusyon sa hangin ay isang malubhang suliranin hindi lamang ng Pilipinas kundi ng buong mundo. Nangyayari ito kapag nababago ang likas na katangian at komposisyon ng hangin . Maraming sanhi ang pagkakaroon ng polusyon sa hangin. Isang halimbawa ang urbanisasyon o pag – unlad ng isang komunidad gaya ng Metro Manila. Sa pag-unlad ay kasabay nito ang pagdami ng mga gusali tulad ng bahay, paaralan, ospital, at shopping mall dahil sa pangangailangan ng mga tao. Sa pagdami ng mga tao ay dumami rin ang mga sasakyan na nagbubuga ng makapal at maitim na usok . Nariyan din ang mga pagawaan na gumagamit ng krudo at nagpapakawala ng masangsang na amoy na humahalo sa hangin . Sa lalawigan naman , ang kadalasang nagiging sanhi ng polusyon sa hangin ay ang paggamit ng mga pestesidyo sa pagpuksa ng mga peste sa palayan. Gumagamit din ng mga pausok para itaboy ang mga insekto sa mga puno at halaman . Ang polusyon sa hangin ay nagdudulot ng iba’t ibang sakit sa baga na maaaring ikamatay ng tao tulad ng hika , tuberculosis, empaysema at bronchitis . Apektado rin ang produksyon at ani sa agrikultura dahil bumababa ang kalidad ng mga halaman at panamim kapag nakararanas ng masasamang epekto ng polusyon. Ang mga hayop, gaya ng tao, ay nangangailangan din ng sariwang hangin.


Sagutin ang mga tanong:
1. Ano ang malubhang suliranin ng buong mundo?
_____________________________________________________________________________________
2. Ano-ano ang sanhi ng polusyon sa hangin?
_____________________________________________________________________________________
3. Ano ang maaaring bunga ng polusyon sa hangin?
_____________________________________________________________________________________
4. Ano-anong mga sakit ang makukuha sa maruming hangin?
_____________________________________________________________________________________
5. Bilang mag-aaral, paano ka makakatulong na mabawasan ang polusyon sa hangin?
_____________________________________________________________________________________
6. Mula sa narinig na talata, kompleuhin ang dayagram na nagpapakita ng ugnayang sanhi at bunga​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.