Gawain Bilang 1: Magbigay ng apat na salitang may kaugnayan sa kahulugan ng salitang responsibilidad.
Sa iyong sagutang papel, punan ang word bubble sa ibaba.
000
Responsibilidad
Mahusay! Natukoy mo na ang kahulugan ng salitang responsibilidad. Ngayon naman ay palalimin
natin ang talakayan hinggil dito. Bakit nga ba mahalaga ang pagtupad ng responsibilidad ng isang tao?
Unang-una, ang pagtupad ng responsibilidad o pagiging responsable ay nagpapanatili ng mabuting
ugnayan sa ating kapwa, kaibigan at kapamilya. Maipapakita mo ito sa pamamagitan ng pagiging
mapanagutan sa pagtupad sa mga pangakong binitiwan. Ang pagkakaroon ng isang salita ay indikasyon na
ikaw ay tapat at may mabuting karakter.
Naranasan mo na bang magbigay at mabigyan ng pangako? Tandaan, sa bawat pangako na
binibitawan ay may katumbas palagi itong pananagutan. Maliit man o malaki ang iyong pangako, hindi ito
dapat mapako. Ika nga ng mga matatanda, “Huwag mong yakapin ang puno kung alam mong hindi mag-
aabot ang iyong mga kamay". Ganon rin sa pagbibitaw ng pangako. Huwag kang mangangako kung hindi
mo naman ito kayang tuparin.
Ngunit may mga pagkakataon na hindi maiiwasan na hindi natin natutupad ang mga binitiwang
pangako dahil sa mga personal na dahilan o mga hindi inaasahang pangyayari. Halimbawa, ang pagkakaroon
ng karamdaman o hindi inaasahang suliranin sa tahanan o paaralan na nagiging hadlang upang hindi
matupad ang ipinangako. Kapag nangyari ito ay hindi naman ibig sabihin na ikaw ay iresponsable. Upang
maiwasan na mapahiya o matawag na iresponsable ay matuto kang humingi ng paumanhin at magpaliwanag
kung bakit hindi mo matutupad o natupad ang iyong pangakong binitiwan. Sa pamamagitan nito ay
mapapanatili mo pa rin ang magandang ugnayan sa taong iyong napangakoan. Dahil dito hindi mo masisira
ang
tiwala ng kapwa sa iyo.​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.