Questions


October 2022 1 1 Report
Gawain Bilang 1:
A. Panuto: Bigyang-paliwanag ang mga sumusunod na salita mula sa awitin o pahayag na ginamit sa paggawa ng proyektong panturismo. Piliin ang titik ng tamang kasagutan. (1 puntos sa bawat bilang)
__ 1. “Piliin mo, yakapin mo
Kayamanan niyang likas
Piliin mo ang Pilipinas”
(Piliin mo ang Pilipinas-Angeline Quinto)
a. Ang Pilipinas ay sikat na bansa sa Asya
b. Ang Pilipinas ay dapat lamang na ipagmalaki ng mga Pilipino sa buong mundo c. Ang Pilipinas ay nangunguna sa bansang maraming ginto’t pilak
d. Ang Pilipinas ay dinarayo ng maraming turista.
Page 2 of 4
_____ 2. “Tara na, Kanta na, Pilipinas
Ipakita na ang galing ng Pilipino
Tara na, Kanta na, Pilipinas
Tara na, Kanta na Pilipinas”
(Kanta Pilipinas-Lea Salonga)
a. Maraming Pilipino ang nais maging mahusay sa pag-awit
b. Ang Pilipinas ay kilala sa paglikha ng magagandang awitin
c. Ang mga Pilipino ay likas na mga talentado lalo na pagdating sa larangan ng musika.
d. Ang pag-awit ay libangan ng mga Pilipino
_____ 3. “Tara na, biyahe tayo,
Nang makatulong kahit pano
Sa pag-unlad ng kabuhayan
ng ating mga kababayan”.
(Biyahe Tayo!-Sharon Cuneta)
a. Maraming Pilipino ang nais makapunta sa ibang bansa
b. Ang pagdayo ng maraming turista sa bansa ay magdudulot ng maraming oportuninad o trabaho sa mga Pilipino.
c. Ang turismo ay napakahalaga sa ekonomiya ng isang bansa.
d. Maraming turista sa Pilipinas ang mahilig bumili ng pasalubong para sa kanilang mga minamahal.
_____ 4. “At ang ngiti ng Maykapal
Taglay ng bawat nilalang
May lambing na dumuduyan
Sa buong pakiramdam”
(Piliin mo ang Pilipinas-Angeline Quinto)
a. Biniyayaan ang Pilipinas ng Maykapal.
b. Masayahin ang mga Pilipino.
c. Mahilig magdasal sa Maykapal ang mga Pilipino.
d. Malalambing ang mga Pilipino.
_____ 5. “It’s more fun in the Philippines
Bakit pa lalayo?
Sobrang swerte kaya ng tsinelas mo
Nakatapak ka sa Paraiso”
(It's More Fun in the Philippines (Official Domestic Jingle)
a. Ang Pilipinas ay maituturing na paraiso.
b. Napakalapit lang ng Pilipinas sa paraiso.
c. Hindi maaaring lumayo ang Pilipinas sa paraiso.
d. Mahalaga ang tsinelas sa pagtapak sa paraiso.

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.