GAWAIN A

Panuto: Tukuyin ang salitang isinulat nang MALAKI , ayon sa bahagi ng pananalita.
Halimbawa : SILA ang mga batang tumulong sa matanda.
Sagot: Sila – panghalip

SIMULAn Na:
1. Ang mga mag-aaral ngayon ay
MATIYAGA.

2. Ang buong PAMILYA ay
nagtutulungan upng umunlad
ang buhay.

3. NAGTATANIM sila kuya at tatay
ng mga gulay sa likod-bahay.

4. KAMI a ng nagdidilig ng
KANILANG mga itinanim.

5. MAAGANG gumigising ang
mag-anak araw-araw.

GAWAIN B
Panuto : Basahin at unawain ang artikulo. Isulat sa sagutang papel ang titik ang tamang sagot


Panahon ng Bagong Bato
Sa pagdaan ng mga panahon nagkaroon ng bagong pangangailangan ang mga sinaunang tao. Kinailangan nila ng mga bagong kagamitang yari rin sa mga bato na lubos na pinakinis at inayos. Sa paglabas ng mga gamit na ito ay dumating ang isang bagong panahon, ang Panahon ng Bagong Bato. Ang mga tao ay natutong magtanim, magsaka at mag-alaga ng mga hayop. Palay ang sinasabing pinakaunang produkto ng mga sinaunang tao na ginamitan ng ararong bato na lalong nagpaunlad ng pagsasaka. Patuloy pa rin ang kanilang pangangaso kahit gumawa na sila ng mga sasakyang pantubig. Bukod dito, natutong gumawa at gumamit ang mga tao ng mga kasangkapang yari sa putik (earthenware). Isang pinakamagandang halimbawa nito ay ang Bangang Manunggul na sinasabing ginawa noong 900 BC. Nagsimula na rin silang maniwala sa buhay pagkatapos ng kamatayan. Mapapatunayan ito sa pamamagitan ng ginawa nilang pagsama ng mga gamit ng yumao sa kanilang mga labi. Ito rin ang naging gamit ng Bangang Manunggul. May iba’t ibang paraan pang ginagawa sa mga labi depende sa lipunang ginalawan ng yumao.
MGA TANONG:
1. Alin sa sumusunod ang nagpapatunay kung bakit Panahon ng Bagong Bato ang tawag sa panahong tinalakay sa seleksyon?
a. Yari sa bato ang lahat ng mga kagamitan nila.
b. Gumamit sila ng mga kagamitang gawa sa pinakinis na bato.
c. Nakahanap sila ng bago at pinakinis na bato na ginamit nila.
d. Dumating sila sa lugar na may kagamitang pinakinis na bato.

2. Alin sa sumsusunod ang HINDI nagpapakita ng naganap noong Panahon ng Bagong Bato?
a. Nakapaglakbay sila sa tubig.
b. May mga kagamitan silang yari sa putik.
c. Higit na mas mahusay ang uri ng pagsasaka nila.
d. Naniniwala sila na may buhay pagkatapos ng kamatayan.

3. Ano ang sanhi ng bagong kagamitan sa panahong ito?
a. Nagsawa na sila sa lumang mga gamit at kasangkapan.
b. Hindi sapat sa pangangailangan nila ang mga yari sa putik.
c. Hindi na angkop ang dating kagamitan sa pangangailangan nila.
d. Mas mahusay na gamit kaysa sa yari sa putik ang natuklasan nila.
May mga gamit ng yumao na isinama sa kanilang mga labi.
4. Ano ang kahulugan ng labi sa pangungusap sa loob ng kahon? Ito ay__________________?
a. isang bahagi ng katawan
b. gamit ng namatay na tao
c. katawan ng namatay na tao
d. ang yumao na isinama sa putik

5. Anong mga katangian ng mga sinaunang tao ang ipinakita sa seleksyon? Sila ay _______?
a. matapang at magalang
b. masipag at maka-Diyos
c. mapamaraan at masipag
d. matulungin at mapamaraan

6. Ano kaya ang magiging bunga nang nakagawa ang mga sinaunang tao ng sasakyang pantubig?
a. Maaari silang maglakbay sa tubig.
b. Walang pagbabago sa paglalakbay nila.
c. Makaaalis silang ligtas kapag may bagyo.
d. Magkakaroon na sila ng bago at ligtas na tirahan

7. Ano ang naging halaga ng Bangang Manunggul sa panahong iyon?
a. Magandang pag-aari ito ng mga yumao.
b. Isinasama ito sa yumao sa kabilang buhay.
c. Ito ay tanda ng paniniwala sa kabilang buhay.
d. Magandang gamit ito na yari sa pinakinis na bato

8. Alin sa sumusunod ang isa pang magandang pamagat para sa seleksyon?
a. Ibang Uri ng Kagamitang Bato
b. Pamumuhay ng Sinaunang Tao
c. Masisipag na mga Sinaunang Tao
d. Mga Kagamitan ng Panahon ng Bagong Bato

9. Ano ang layunin ng sumulat ng seleksyon?
a. Hatid nito ang isang balita.
b. Hangad nitong manghikayat.
c. Gusto nitong magbigay ng aral.
d. Nais nitong magbigay ng kaalaman

10.Ano ang ginamit ng may-akda upang ipaabot ang mensahe nito?
a. Binanggit ang suliranin ng paksa.
b. Nakasaad ang mga solusyon sa paksa.
c. Tinalakay ang maraming sanhi ng paksa.
d. Inilarawan ang paksa gamit ang mga halimbawa​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.