Gawain A
Panuto: Pakinggag mabuti ang kanta ni Freddie Aguilar na "Bayan Ko". Mula sa
napakinggang kanta , isalaysay ito sa pagbibigay ng sariling pagpapakahulugan sa mga
ibinigay na linya ng kanta. Isulat ang sagot sa sagutang papel
1. Ang bayan kong Pilipinas, lupain ng ginto't bulaklak
Sagot:
2. Sa kaniyang yumi at ganda dayuhan ay nahalina
Sagot:
3. Bayan ko binihag ka, nasadlak sa dusa
Sagot:
4. Ibon mang may layang lumipad, kulungin mo at umiiyak
Sagot:
5. Pilipinas kong minumutya, pugad ng luha at dalita, aking adhika makita kang sakdal
laya
Sagot:
Answers & Comments
1. Ang bayan natin ay mayaman sa likas na yaman
2. Merong tinataglay na kagandahan lalo na ang kalikasan ng ating bayan kaya marami ang mga taga ibang basa na sumakop dito marahil gusto nilang maangkin ang Pilipinas
3. Sinakop ang Pilipinas at marami ang nagdusa at nagluksa sa panahon ng pananakop
4. Nanganganib sa kalayaan ang Pilipinas tulad ng ibon ma malayang lumilipad ang mga Pilipino ay nagdurusa at umiiyak dahil sila ay kinulong at naging bihag
5. Minahal kong Pilipinas na may malaking hinaharap na paghihirap at pasakit sana ay maging malaya at maging mapayapa ang ating bansa