Questions


October 2022 1 1 Report
Gawain 6: TAMA O MALI
Tukuyin kung Tama o Mali ang ipinapahayag ng bawat pangungusap. Isulat sa
sagutang papel ang TAMA kung wasto ang pangungusap. Kung mali, isulat ang
salitang naging dahilan kung bakit naging mali ang pahayag at isulat muli ang buong
pangungusap gamit ang salitang magwawasto sa pahayag.

1. Hindi nakabuo ng isang matatag na pamahalaan ang mga Sumerian dahil
sa madalas na tunggalian ng mga lungsod-estado tungkol sa lupa at tubig.

2. Si Hammurabi ang nagtatag ng kauna-unahang imperyo sa daigdig.

3. Ang sentro ng Imperyong Achaeminid ay ang Babylonia.

4. Ang mga eskribano ng mga Egyptian ay nakalinang ng sariling sistema ng
pagsulat na tinatawag na hieroglyphics.

5. Ang civil service examination system mula sa kabihasnang Tsino ay
mahalaga sa pagpili ng opisyal ng pamahalaan noon at sa kasalukuyan

6. Ang mga Dravidian ang nagtatag ng kabihasnang Mesopotamia.

7. Ayon sa paniniwalang Tsino, kapag naging mapang-abuso ang emperador
magkakaroon ng tagtuyot, lindol, bagyo o digmaan sa kanyang pamumuno

8. Sa Dinastiyang Qing naipatayo ang Forbidden City sa Peking na naging
tahanan ng emperador.

9. Ang Vedas ay ang sagradong aklat para sa mga Hindu; binubuo ng mga
himnong pandigma, ritwal at mga salaysay.

10. Ang Bagong Kaharian ng Egypt ay kinilalang "Panahon ng Pyramid".​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.