Gawain 5
Gamitin ang mga pangngalang nasa loob ng kahon sa pagbuo ng talata
tungkol sa pagsugpo ng COVID-19 Pandemic. Gumamit din ng mga
panghalip na napag-aralan sa iyong talata.
partisipant
ospital
impluwensya
negosyo
benepisyo
awtoridad
panderya
ekwipment
edukasyon
interbyu
ahensya
face mask
espiritwal
isyu
eksperto
nars
Answers & Comments
Answer:
PAGSUGPO NG COVID-19
Ang Covid-19 ay isang pandemya na kumalat sa ating buong bansa. Masasabing ito na ang pinakamalaki at pinakamalalang sakit o sakuna na nilalabanan natin ngayon.Sa pagdating ng Covid-19 sa ating bansa. Maraming nagbago sa takbo ng pamumuhay ng bawat isa. Tulad ng pagsara ng mga negosyo, istablisimento kung saan nawalan ng mga trabaho ang ilan sa mga manggagawa.Paano natin ito maiiwasan o malalabanan? Paano natin ito tuluyang mawawakasan? Ilan lamang iyan sa mha katanungan na patuloy nating binibigyan ng kasagutan at ng ating masulusyunan.Nagtalaga ang mga eksperto ng dapat nating gawin. Kung paano natin mababawasan ang pagkalat ng sakit na dala ng covid-19. Manatili sa ating bahay ang pinakamagandang gawin sa ngayon habang gumagawa ng sulusyon at gamot para dito. Panatilihing malinis ang ating paligid, katawan at iwasan ang makisalamuha sa iba na hindi didikit ng higit sa isang metro ang layo. Magsuot ng facemask kapag lalabas ng bahay para hindi makalanghap ng virus na dulot ng Covid-19.Dahil sa Covid -19 ay nagdulot din ito ng pagbabago sa ating edukasyon. Kahit nahihirapan ang ilan ay nagagawa din namang ipagpatuloy ang pag aaral sa pamamagitan ng mga modyul at online class.
May mga partisipante na nag lalakas loob na ibuwis ang sariling kaligtasan. Makatulong lamang sa iba at maibigay ang kaunting benepisyo na bigay ng mga maimpluwensyang nga tao. Bigay ng mga taong may mga mabubuting puso. Mga nars na nagsasakripisyo mabigyan lamang ng magandang serbisyo ang mga natatamaan ng sakit na kumalat sa ating bansa. May mga ahensya na nagbigay ng mga ekwipment para sa pagsugpo ng sakit ng ito.Dahil sa Covid -19 ay marami ding isyu na kumalat. Napuno ang mga ospital dahil sa sakit na ito at madami na din ang namatay dahil dito.
Explanation:
PAGSUGPO NG COVID-19
Ang Covid-19 ay isang pandemya na kumalat sa ating buong bansa. Masasabing ito na ang pinakamalaki at pinakamalalang sakit o sakuna na nilalabanan natin ngayon.